Chapter 13 VENUS "You're very good, Ashton. Hindi pedeng hindi ka magiging under sa akin kapag resident ka na, okay?" Dr. Yang patted my shoulders as she leaves the operating room. Tumango at tumawa lang ako nang kaunti. "Hay, buti naman tapos na." Napapikit ako ng mata habang nag-iinat. "Galing mo, gurl. Sana all." Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Laurraine. "Kami na next, chupi na magsscrub na ako." She laughed. "Good luck, gurl!" Tinapik ko ang likod niya at saka umalis na ng OR. The time's 8:36PM, kaya napangiti ako dahil abot pa ako sa gig ni Clyde. 9PM kasi ang start noon. I immediately get my phone in my locker and texted Clyde. To: Clyde Makakanood ako ng gig mo, Love! Matapos ko siyang i-text ay agad na akong nagpalit ng damit. Sobrang init pa rin kahit gabi n

