Chapter 11 VENUS Napadilat ako nang sumikat na ang araw at tumama ito sa mata ko. Bumangon ako at nakita ko na nasa tabi ko pa rin si Clyde. Nakatulog pala kami kagabi rito sa rooftop. Tinignan ko ang phone ko at nakita ko na it's just 6:30AM. Mabuti na lang at wala akong pasok ngayon, kung meron, I would probably be late. "Gising na, Love." I kissed his cheeks. "Hmmm..." Ngumuso siya sa akin, "Kiss muna." Tumawa ako at pinalo ang labi niyang nakanguso, "Toothbrush muna." I laughed. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa sleeping mat, at ganoon din siya. Finold niya ang sleeping mat at siya ulit ang nagbuhat nito pababa, hawak ko naman ang mga reviewers ko at ang lampshade na dinala ko. "You should go home now, Love. Your family might be worried about you now. Hindi ka nagtext sa kanila

