01: Enchanted

2951 Words
Chapter 1 VENUS "HAAAAAAAY!" malakas na buntong hininga ko nang matapos ang shift ko. Grabe naman kasi, 32 hours 'yon, sinong hindi mapapagod ‘di ba? Hinubad ko ang hospital scrubs ko at agad na kinuha sa bag ko ang pamalit kong damit. Puro babae naman kami sa Intern's on-call room na ito. kaya wala na akong paki kahit naka-bra lang ako. Pagkabihis ko ay agad ko nang inayos ang gamit ko at pagkatapos ay nagpaalam sa mga ka-intern ko. Grabe yung pagod ko talaga— parang kung ire-rate from 1 to 10, 15 yung pagod ko. Sagad-sagad. Walang halong biro. Paglabas ko ng Trinitas Hospital ay napagdesisyunan ko na dumaan muna sa isang restaurant s***h bar sa may tapat nito— ang Loe's Restobar. I need this. Kailangan kong i-reward ang sarili ko for being a good intern sa first ever 32-hour shift ko. "Welcome, Ma'am!" the guard greeted as I entered the bar. Nginitian ko siya at pagkatapos ay dumiretso na ako sa may counter para maka-order ng fries na kanina ko pa kine-crave at siyempre, isang tequila. Isa lang... hindi kasi ako pwedeng malasing nang sobra dahil kailangan ko pa ring mag-aral para hindi ako pumalpak sa pagiging intern. Habang iniintay ko ang order ko ay tumingin-tingin muna ako sa paligid ng restobar. It's already 1:54 AM, at marami pa rin ang tao rito. Halos lahat ay umiinom ng alcoholic drinks— ang iba ay hindi pa lasing, at ang iba ay lasing na. Merong magkakabarkada na grabe magtawanan, may mga nagkakantahan sa may gilid gamit ang bluetooth speaker na dala-dala nila, at may isang lalaki na pumukaw sa atensyon ko— inaayos niya ang gitara niya, mukhang magpe-perform siya. He's wearing a denim jacket, at sa loob ng kaniyang jacket ay isang plain white shirt tapos baston na baston ang kaniyang pantalon na suot. I can even notice the curve of his butt. Okay, Venus... stop looking. Oo na, kaya ko rin siya napansin ay dahil sa itsura niya. I admit, he's really attractive. When he looked at my direction, I immediately looked away. Finally, my order came. I started to eat my order the moment the videoke was turned off— mukhang magpe-perform si kuyang naka-denim jacket. Nang lumingon ako sa may mini stage ay nakita ko siya— oo nga, he's going to perform. Pinapatay na rin kasi nung isang waiter yung bluetooth speaker nung isang grupo. At dahil gusto ko manood, binitbit ko ang plato na puno ng fries sa isa kong kamay, isinukbit ko sa balikat ko ang bag ko at hinawakan ang isang glass ng tequila sa isa kong kamay, saka ako lumipat sa table na medyo malapit sa stage. "Magandang gabi po sa inyong lahat..." bati ni kuyang naka-denim. He's so attractive! I can't even take my eyes off of him. He really has a perfect face— from his beautiful brown eyes, pointed nose and to his thin lips. Tapos parang wala pa siyang pores kasi ang kinis-kinis ng mukha niya! When he looked at my direction, I tried to shoot my shot— I smiled at him and, he smiled back! OMG! Pwede pa naman akong kiligin kahit na 25 na ako ‘di ba? Am I too old for this kilig? "English song po muna tayo ngayon, ah. OPM po kasi mga kinanta ko last week," sabi niya bago siya mag-perform. Mukhang kilala na siya ng mga waiters at staff dito, siguro ay dahil madalas siyang mag-perform dito. Nang ini-strum niya ang gitara niya ay alam ko na agad kung ano ang tutugtugin niya. Siyempre, favorite song ko eh. Napangiti ako nang sambitin niya ang mga unang linya ng paborito kong kanta— Enchanted by Taylor Swift Shet! Gusto kong sumigaw... sobrang gwapo na niya, sobrang ganda pa ng boses! Kaboses niya si Kean Cipriano, and he's currently singing Owl City's version of Taylor Swift's Enchanted. And because I couldn't contain my kilig, nilabas ko ang phone ko at minessage ang bestfriend kong si Veronica. Panigurado ay hindi pa naman 'to tulog kasi madalas ay nagpupuyat siya dahil sa trabaho niya. Accountant kasi siya. Napatingin ako sa kaniya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. I didn't break the contact, at ganoon din ang ginawa niya. Ilang segundo rin ay napaiwas na ako dahil medyo kinikilig na talaga ako. Tinuloy ko ang pagta-type ko sa message na ise-send ko kay Veronica. Hindi pwedeng hindi ko ito ikwento, kasi sasabog na talaga ako sa sobrang kilig. Tinadtad ko si Veronica ng messages at sa wakas, ay nagreply na. Gising pa nga ang lukaret. From: Veronica Malandi ka, anong oras na?! Hindi ka na lang matulog. Napatawa ako sa reply niya. Magre-reply na sana ako nang bigla kong mapansin na nakatingin na naman siya sa 'kin. Umiwas ulit ako ng tingin at tinext nang tinext ang bestfriend kong ayaw nang mag-reply. Huling text na niya kasi ay matutulog na raw siya. Bwisit na 'to. Ang hirap kiligin kapag mag-isa! Seryoso. Ibinaba niya ang kaniyang gitara at sinenyasan yung isang gitarista ng bar na 'to na siya na muna ang magtuloy. Unti-unti siyang lumapit sa akin. What am I going to do?! He held my hand as he was singing. His eyes were set on mine. Pinagtitinginan na kami ng mga tao, ang iba pa nga ay nag-"aayie" dahil sa ginagawa nitong si kuyang gwapong singer na hindi ko pa rin alam ang pangalan! How to calm down?! I'm really screaming inside! Hindi ako nagsasalita habang hawak niya ang kamay ko. Ilang segundo lang ay binitawan na niya ito at pagkatapos ay bumalik sa mini stage ng resto bar. Malapit na sa bridge part ang kaniyang kinakanta— ang best part ng kanta. Bumalik nga siya... pero hanggang ngayon, nakatingin pa rin siya sa akin. Ang tanda ko na... pero bakit ganito? Bakit parang bumabata ako dahil sa titig niya? Bakit parang bumabalik ako sa high school dahil sa kaniya? My God, Venus! Ilang minuto na lang ay matatapos na niya ang kanta, ang ganda-ganda talaga ng boses niya. Napapapikit na lang ako eh... parang hinehele ako nito. Nang matapos siyang kumanta ay agad siyang lumapit sa manager ng restobar. Habang kinakausap niya ito ay tumitingin-tingin siya sa akin. Nang tignan ko ang cellphone ko, I saw the time and it's alrady 2:30AM. Cinlose ko ang mga apps na nakabukas sa phone ko at agad itong binulsa nang makita kong papalapit siya rito. Makita pa niya mga texts ko kay Veronica na sobrang kilig na kilig dahil sa kaniya. "Clyde Christiansen Dalton." He offered his hand for a handshake and I immediately accepted it. This may sound cliche, but when I held his hand, it's like I felt some electricity running through our connected hands. I thought I'm already done with this stage— grabe... grabe yung sparks! "Venus Ashton." I smiled. Feeling ko mukha akong matatae sa ngiti ko! Takte, kinakabahan at kinikilig kasi talaga ako sa kaniya! "Pwede makuha number mo, Venus? Hahaha, aalis na kasi ako... so I can't buy you a drink now..." I was kinda disappointed when I heard na aalis na pala siya. But I was moved by his courage— hiningi niya agad ang number ko! Ang speed niya, ha. Tumawa ako at naglabas ng ballpen saka ako nagsulat sa palad niya, "Ayan. Buy me a drink next time, ah." Ngumiti ako at ibinalik ang ballpen sa bag. "Promise." Kumindat siya at pagkatapos ay sumenyas siya na aalis na siya. Pumikit ako at huminga nang malalim. Congratulations, Venus. You survived an awkward yet so kilig conversation. Nang malagay ko na sa table ang bayad ko sa order ko kanina ay isinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko at umalis na. Bago ako makalabas ng Loe's ay tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa aking bulsa at tinignan ang text message. From: Unknown Number Hi Venus! Save my number. :) – Clyde. I left the restobar with a smile. Isang ngiti na matagal ko nang hindi nailalabas. Tumingala ako at nakita na sobrang kinang ng mga bituin sa langit. I hope this is a sign that this is going to be a start of something good... I hope. *** "Omg!!! I missed you!" Agad na yumakap sa akin si Veronica at ibinaba ang bag niya sa upuan na isinave ko para sa kaniya. Nasa isang wings restaurant kami ngayon malapit sa Accounting firm na pinagtatrabahuhan niya, we agreed kasi to see each other to catch up on each other's life. Isang linggo na rin kasi kami hindi nakapagkita nitong bestfriend ko na 'to. "I missed you too!" sagot ko sa kaniya habang nakayakap. The hug lasted for seconds at pagkatapos ay umupo na siya sa upuan sa tapat ko. "Oh, ano kumusta yung pagiging textmate mo with Clyde ha?" natatawa niyang tanong, "Ang high school niyo naman, textmate," kumento pa niya. "Bwisit ka! Eh alam mo naman lagi sched ko, sige nga, ikaw mag-doktor tas laging 32 hours ang shift." Inirapan ko siya at tumawa lang siya ulit. Tinawag ko ang waiter at nagbigay na ito ng list ng menu sa amin. "Libre mo ah," natatawa kong sinabi. Umirap siya at hindi na nakatanggi, "Oo na. Ikaw sa next na kain ah. Huwag kang madaya." "Ha? May next na kain pa ba?" napatawa ako nang malakas sa sinabi ko. "Gago," sabi niya sabay tingin sa menu. "Hoy, ano nga, kumusta pagiging mag-textmate niyo?" pangungulit niya ulit habang namimili ng kakainin sa menu. Nag-stay lang ang tingin ko sa menu at nagkwento na para hindi na siya mangulit. "Ayon, naikwento niya sa text pangarap niya. Gusto niya maging piloto." Hindi pa ako natatapos sa pagkkwento ay may kumento na naman 'tong si Veronica, "AAAAAHK! Omg! Mukhang ikaw tutupad ng pangarap ko na magkajowa ng piloto! Yay!" Pinalo ko siya at sumenyas na medyo hinaan ang boses habang tumatawa. "Gago ka talaga." Tumawa ako at pinagpatuloy ang kwento, "Pangarap niya lang... pero mukhang impossible raw. Tas alam mo, ang cute niya mag-sweet dreams... Reach for the stars sinasabi niya instead of sweet dreams." "Ay wow, siya ba si Buzz Lightyear?" Pagtawa nito sabay tawag sa waiter para ibigay na ang oorderin namin. "Hindi... tingin daw kasi niya sa mga panaginip natin ay parang mga bituin, kasi 'di ba, madalas mangyari sa panaginip eh mga bagay na gusto natin mangyari... yung mga pangarap natin. Eh para sa kaniya, yung mga pangarap niya ay parang mga bituin, hindi raw niya maaabot kasi mahina siya." Napatigil kami saglit sa pagkukwentuhan dahil lumapit na ang waiter. Sinabi namin agad ang gusto naming flavors ng chicken wings kaya agad naman itong umalis at nakapagpatuloy na kami sa kwentuhan. "Mahina siya? May sakit?" curious na tanong ni Veronica. "Ewan ko... wala ata," sagot ko sabay kibit balikat. "Kailan kayo magkikita raw ulit? 'Di ba nangako siyang ibibili ka niya next time ng maiinom? Alam mo, huwag mo nang papakawalan 'yan kapag nagkita ulit kayo... feel ko sobrang sarap magmahal niyan, sobrang may sense mga sinasabi sa 'yo eh. Texts pa lang 'yan ah." "After ng shift ko... bukas, magkikita ulit kami. Every Monday at Friday kasi yung gig niya, tas laging same time ng out ko." Ngumiti ako. "Wow naman, I'm happy for you... Sana tuloy tuloy na 'yan, sana wala nang eepal para naman madiligan ka na ulit sa wakas!" natatawa niyang sinabi. Nagpaparinig na naman siya for sure. Hindi ko na siya sinagot at inirapan ko na lang... matagal ko nang nakalimutan yung gago na 'yon kaya I avoided the topic, tyaka ayaw kong masira ang araw ko dahil sa pangalan na 'yon. *** CLYDE "Tara na muna, you need to unwind for a while... baka mamaya ikaw naman ang maospital," sabi ni Jay sa akin habang naglalakad kami palabas ng room ng Mom ko. Nasa ospital kasi kami ngayon, na-confine kasi si Mom kaya umuwi na rin ako kaagad last Monday pagkatapos ko sa gig ko sa Loe's. Sayang nga eh, ni hindi ko man lang nabilhan ng drink si Venus- yung babaeng nakilala ko. Sobrang ganda niya, at mukhang matalino at mabait din. Walang nagsalita sa aming tatlo nila Jay at Nathan nang sumakay kami ng elevator, lahat kami ay tahimik. Alam nilang pagod ako... ganito naman kasi madalas- lagi nacoconfine si Mom dahil sa sakit niya na kapareho ng sakit ko… dilated cardiomyopathy. Nang makababa kami ay dumiretso kami sa kotse ni Nathan at si Jay na ang nagsabi na sa dating lugar kami. "Okay," Nathan responded. Matapos ang ilang minuto na pagdadrive ay nakarating na kami sa Rooftop Garden— ang lugar na proven and tested na naming magkakaibigan. Once na problemado kami at gusto makakalimot ng mga ganap sa buhay, pumupunta kami rito dahil sobrang payapa at maaliwalas dito. May iba't ibang bulaklak dito at kapag tumingin ka mula sa railings ay matatanaw mo ang isang malawak na bukirin na may mga puno rin at may bundok pa na kita rito na hindi ko alam kung ano ang tawag. "Kumusta nga pala gig mo nung Monday, pre? Balita ko nakahanap ka ng babaeng type mo ah? Napormahan mo na ba, ha?" Tanong ni Nathan habang tinataas-taas ang kilay na parang nang-aasar. Tumawa ako, "Oo. I met someone, and yeah, I made a move... hiningi ko lang number kasi nga 'di ba, I had to rush to the hospital." "Ay tangina, proud na ako sa'yo, Pre." Natatawa akong pinalo ni Jay. "Edi textmate kayo ngayon? Hayop, parang high school lang ah,” kumento naman ni Nathan. "Actually we're going out sa Friday. After her shift siguro..." "Ano ba trabaho?" curious na tanong ni Jay sabay upo malapit sa railings ng rooftop. "She's currently a surgical intern sa Trinitas, " matipid kong sagot. Napatayo si Jay sa kinauupuan niya at si Nathan naman ay napa-apir kay Jay. "Gago, doktor?! Tangina, ikaw na blessed." "May gig ka sa gabi na 'yon 'di ba? Sayang, ‘di ako pwede. Gusto ko pa naman mameet future ligaw mo." panghihinayang ni Jay. "Ako rin nga eh. Mamemeet din natin 'yan, Jay... 'Di pwedeng hindi. First ever ligaw ng tropa natin 'yan 'pag nagkataon eh,” sabi naman ni Nathan. Napatawa na lang ako sa kanilang dalawa. Sana nga... sana nga umabot sa punto na makikilala niyo siya. Natatakot ako eh, baka pati 'to pigilan ako ng pamilya ko. Masyado kasing mahina ang puso ko para sa mga ganito. They don't want to take risk... and of course, natatakot din ako para sa sarili ko. "Bibili kami ni Jay ng pagkain. Ano gusto mo, Clyde?" Lumapit sa akin si Nathan at tinaasan ako ng kilay. "Kahit ano,” sagot ko sabay tingin sa mga puno sa baba ng rooftop. Muli akong napalingon kay Nathan nang makita ko na hindi pa rin siya umaalis sa may tabi ko. "Ano?" nakakunot na noo kong tanong. "Pera mo?" Natatawa niyang inilahad ang kamay niya sa akin, akmang nanghihingi ng pera. Bumuntong hininga ako at kumamot saglit sa ulo saka ibinigay ang pera ko sa kaniya, "Tangina niyo, mukha kayong libre." Tumawa lang sila at bumaba na para bumili ng pagkain. Bata pa lang ako, kaibigan ko na 'yang dalawa na 'yan. I was once bullied noong elementary dahil sobrang hina ko pagdating sa mga physical activities— konting takbo ko lang noon, hinihingal na ako, at silang dalawa ang nagtanggol sa akin noon. And that started our friendship. Nadiskubre namin 'tong lugar na 'to nung 3rd year high school kami, nung sobrang na-brokenhearted si Nathan dahil na-busted siya ng crush niya. Nag-cut kami ng klase non tapos ayon, dito kami napunta. Hindi talaga ako usually nagkakaroon ng gigs noon, pero last week, nagkaroon na ako ng regular gigs sa Loe's. Hindi ko pa nga nasasabi 'yon kay Ate Clarisse at kay Mom dahil panigurado magagalit sila kapag nalaman nila kung tuwing anong oras ang gig ko. We have a photo studio business, and it's the well-known photo studio in our town. I took up Business Management nung college para kahit papaano makatulong ako sa pamamalakad nung business namin, kahit na hindi naman talaga 'yon ang gusto ko. "Oh." Jay handed me the food they bought. "Huwag mo na munang isipin yung Mom mo, kaya nga nandito tayo para makalimot 'di ba. Magiging okay din si Tita. Si Tita pa ba." Tinapik ako ni Jay at pagkatapos ay naupo na silang dalawa sa tabi ko. "Kailan mo balak ipaalam kay Ate Clar na may regular gig ka na?" tanong ni Nathan habang puno ang bibig ng pagkain. "Gago, huwag mo muna ipaalam, pre. Dagdag ka pa sa aalalahanin non..." advice naman ni Jay. "Oo, hindi ko nga muna ipapaalam. Kaya ko naman sarili ko eh, tyaka di naman niya malalaman din. Busy yun sa studio." sagot ko. Ilang minuto ring walang nagsasalita sa amin dahil busy kami kumain. Ganito naman kami madalas, kapag kumakain... focus na focus kami sa kaniya-kaniya naming pagkain. Magkakaingay lang minsan kapag nabitin si Jay at akmang hihingi sa amin. "So, balik tayo sa Venus mo, Clyde... are you really going to pursue her? Hindi ka na matatakot umibig?" panchichismis ni Nathan. "Hindi naman takot umibig 'yan. Takot 'yan kay Ate Clar," natatawang kinomento ni Jay. Hindi ako sumagot sa kanila at nakitawa na lang. Basta ang alam ko, excited ako na makita ulit si Venus. I hope I'll be able to love now without any hindrances... without any hesitations, without thinking that I might die because of feeling too much emotions. May sakit kasi ako sa puso... like my Mom. Sobrang hina nitong puso ko... at pinaniniwalaan nilang lahat na bawal sa akin na makaramdam ng sobrang kasiyahan at kalungkutan, dahil baka 'yon ang ikamatay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD