Chapter 42 CLYDE "Tangina, pre! Saludong-saludo na talaga ako sa 'yo! Napakagaling mo!" Napayakap pa si Jay sa sobrang tuwa sa akin. Habang yakap niya ako, tinapik-tapik pa niya ang likod ko. Si Nathan naman ay sobrang laki ng ngiti habang nakatayo sa tabi namin ni Jay. Tinapik din niya ang likod ko, at pagkatapos ay nag-fist bump din kami. "Proud na proud din ako sa 'yo, 'tol... napakagaling mong songwriter," umiiling na sinabi ni Nathan habang itinataas ang kanang kamay na nakakuyom. Kaka-release ko lang kasi ng last single na ire-release ko bago ang album release bukas. Ang title ng kanta ay 'When You Feel Like Giving Up.' The song is about fighting your own inner battles, and surviving it with the help of your loved ones. Sinulat ko ito noong mga panahon na hindi ko na gustong mab

