Chapter 28 CLYDE Mga ilang araw na rin ang lumipas simula nung maging doktor ko si Venus. Hindi naman kami masyadong nagkakaroon ng interaksyon dahil madalas ang cardiologist at ang physical therapist ko ang nakakasalamuha ko. More on post-operation concerns lang kasi ang kay Venus, kaya ayos lang din— less interaction, less awkward moments. Kaaalis lang ng mga co-writers at co-composers ko ngayon, tinanong nila sa akin kung paano ang gustong production doon sa isang kanta, at medyo napatagal ang discussion at pagpapakinig nila roon sa akin. Akala ko makakatulog na ako ngayon pagkaalis ng mga co-writers at co-composers ko, pero may bisita na naman ako... ang dalawa kong mokong na kaibigan. "Hindi mo ata kasama syota mo ngayon," nakataas ang kilay na kumento ko kay Jay habang papasok it

