Constellation's POV: "Hey Agent Swift, are you not in good terms with our Boss?" Tanong ni Ricka sa akin habang pababa kami ng eroplano. "Yes." Deretsahang sagot ko at nauna nang bumaba. Sumama ang timpla ko dahil sa bwiset na Johnson na 'yon. May pa 'marry me' pa, nakakainis siya! Nagulat kasi ako kanina dahil akala ko totoo, ang demonyong 'yon sinabihan ba naman akong mukha raw akong constipated hyena! "Hey Agent Swift, that's not our service!" Rinig kong sigaw ni Ricka kaya napatampal naman ako sa noo. 'Nakakahiya,' nasabi ko na lang sa sarili ko. Tumalikod naman ako at nakitang papunta sila sa isang van na puti. Nahuhuli si Johnson maglakad at prenteng nakahawak pa sa bulsa. Dahil sa inis ko ay mabilis akong naglakad at binunggo siya sa balikat. Napamura naman siya pero

