Constellation's POV: Naglalakad na ako ngayon dito sa fire exit. Bawat CCTV camera na madadaanan ko ay pinapakyuhan ko bago barilin. Hinahapo naman akong nakarating sa ika-limang palapag. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto at pumasok. Basa na ako dahil sa water sprinklers na kanina pa naglalabas ng tubig. Medyo giniginaw na rin ako, patay ako nito paglabas namin mamaya. Paniguradong sobrang lamig. "F-f**k aray! Babalian kita ng buto, tangina kang hayop ka!" Naalerto ako nang marinig ko ang boses ni Meave. Mabilis naman akong tumakbo papunta sa pinanggalingan ng sigaw niya. Nakita ko si Meave na may dalawang lalaking kalaban na tinututukan siya ng baril. Pumasok naman ako at tinapatan ang dalawa ng baril sa ulo. "Thanks to me Meave." Pagmamayabang ko at nagflying kiss sa ka

