Constellation's POV: "Constellation Majesty Heat, laya ka na!" Rinig kong sigaw ni Chief Chong. "Yes! Sa wakas!" Sigaw ko at nagtatalon-talon. Nandito kami ngayon sa field kung saan kami nagbubungkal ng lupa. Nagtinginan naman ang ibang preso sa akin pero wala akong pakialam. "May sundo ba ako?" Tanong ko kay Chief Chong nang makalapiat ako sa kaniya. "Walang susundo sa 'yo pero may ipinadalang sasakyan ang Kuya Zodiac mo, may driver yata sa loob ewan ko ba. May ipinadala ring damit, sa mansion daw ng mga Nataraj ang deretso mo." Sabi ni Chief Chong. Napakunot naman ang noo ko habang nakasunod kay Chief. Alam kong kasal na si Yolly at Lacoste, isa na siyang Nataraj pero hindi ko ipinaalam kay Kuya Zodiac dahil alam kong malulungkot siya. Pero knowing my kuya, gagawin niya ang

