Constellation's POV: Kakarating lang namin dito sa hotel nila Thea sa Moscow, Russia. Ito ang Pirata de Carribeano Hotel, inspired ito sa sikat na hollywood movie na Pirates of the Carribeans. Napakadetalyado rin ng bawat furnitures dito at eleganteng tingnan. Paniguradong napakabigat sa bulsa ang isang gabi rito. Pumasok na kami ni Johnson dito sa kwarto namin. Katapat lang ng kwarto nila Thea, sa tabi naman namin ang kila Meave. "Bibihis lang ako, wait lang." Paalam ko kay Johnson. Hila-hila ko ang maleta namin papunta na sana sa walk-in closet nang agawin niya ito sa akin at hinapit ako sa bewang. "Ako na ang pipili nang isusuot mo." Seryosong sabi ni Johnson habang naglalakad na kami. "But Johnson–" "No buts, bub." Sabi niya. Pinigilan niya pa ang pagsasalita ko sa pamama

