Constellation's POV: "Stella, kumain ka naman. Nakabalik nga tayo lumala ka naman." Buntong hiningang sabi ni Meave. "Ayoko, wala akong gana." Malungkot na sabi ko. Nagtalukbong ako ng kumot at muling humikbi. Hindi ko lubos akalaing niloko ako ni Johnson, nagsinungaling siya. Ang sabi niya hindi niya ako iiwan, pero nasaan siya ngayon? Wala ni isang may alam kung saan siya nagpunta. Kahit ano pa ang dahilan niya, basta bumalik siya, tatanggapin ko. Humagulgol na ako at nilukot ang aking kumot. Nagmadali akong bumalik para makita siya at hindi na siya mag-alala pero nasaan siya ngayon? Hindi ko alam, kahit si Mr. Shukran ay hindi niya alam. "Stella, please kumain ka na. Kung ayaw mo halika na, uuwi na tayo ng Pinas." Yaya ni Meave at hinila ang kumot ko. Hinigit ko ang kumot pe

