Constellation's POV: "Meave, pataas nga ng zipper." Utos ko kay Meave na nagsusuot ng flippers. "Ayoko nga, bahala ka r'yan." Pang-aasar niya. "Tangina ka bilis na!" Sigaw ko at pinanlisikan siya ng mata. Natatawa naman siyang pumunta sa likod ko at itinaas ang zipper nitong suot ko. Ngayon na ang pinakahihintay naming lahat, ang pagsugod sa Nazandel. Nakasuot na kaming lahat ng scuba diving suit. Sa ilalim kami nitong hotel na tinutuluyan namin dadaan para hindi kami kita mula sa ibabaw. Ihahack naman nila ang system ng Nazandel para hindi nila kami madetect. Kinuha ko na ang iba kong diving gear at oxygen tank bago lumabas rito sa pinagbihisan naming mga babae. Nasa labas naman si Johnson at nakapamewang na nag-aabang sa akin. Dumukwang ako at hinalikan siya sa labi. Ipinulu

