Constellation's POV: "Stella, halika rito bilis magtago tayo!" Bulong ni Meave at hinila ako sa gilid ng building. "Natatanga ka na naman eh! Push-up tayong dalawa kapag nahuli tayo!" Bulong ko rin at binatukan siya. Nagjojogging kami ngayon dahil pinaghahandaan na namin ang nalalapit naming pagsugod sa Nazandel. Training day namin ngayon at halos 30 minutes na kaming nagjojogging kaya pagod na kaming dalawa ni Meave. "Aba eh kapag ganitong pagod na ako." Bulong niya. "Hayaan mo na, baka naman pinatigil na sila ni Instructor Iko." Sabi ko at hinila na si Meave para tumakbo. Lanta naman si Meave at pagod na naglakad. Hinahapo na rin ako pero kailangan naming makabalik sa harap ng building. Ikaw ba naman 30 minutes ikutin ang buong Shukranovich hindi mapagod!? Pagbalik namin sa

