Kabanata 36 Louise Jadelyn's Point of View "Where did you go?" Ayan agad ang bungad ni Rain sa akin pag-pasok ko sa bahay. Kakauwi ko lang kasi galing hospital. Atsaka dumiretso din ako sa school bago umuwi para kumuha ng mga notes at exams. Napag-desisyon ko na kasing pumasok. Ayoko makulong dito sa apat na sulok ng malaking bahay ni Rain. Wala naman sigurong magtatangka sa akin kapag nasa school ako. "Diyan lang." Tipid na sagot ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya kung saan talaga ako galing. Alam ko kasing magagalit siya eh. Ayaw niya kasing bisitahin ko si Maverick dahil natatakot siyang kung ano na naman ang gawin nito sa akin kapag kaming dalawa lang ang mag-kasama. Atsaka galit talaga siya sa ginawa ni Maverick sa akin. Naiintindihan ko naman siya. Alam ko namang

