KABANATA 52 Claire's Point of View "Dad, how are you feeling?" Nag-aalalang tanong ko kay daddy pagka-pasok ko sa kaniyang private room dito sa hospital. Dalawang araw na ang lumipas simula ng mangyari matinding laban na naganap sa pagitan ng Aces at Black Alpha at ngayon lang ako naka-dalaw kay daddy dahil naging abala ako sa pagpapa-libing kay Maverick. Maverick was found dead after the war. He was headshot na dahilan ng kaniyang pagka-matay. I still don't know kung sino ang may gawa no'n sa kakambal ko but I'm still searching for answers. Gusto kong malaman kung anong nangyari at bakit humantong sa ganoon si Maverick. I decided to get Maverick's body to be cremated at pina-libing ko ito ng maayos. I was still hurt and shock about what happened to him, to my family, pero siguro et

