Kabanata 31 Xander's Point of View "Where the hell are you, Del Valle?" Tanong ni Lancelot sa akin sa kabilang linya. Ewan ko ba kung bakit tinawagan ako ng isang 'to. Alas-dose na ng gabi at patulog na sana ako pero laking pagta-taka ko ng biglaang tumawag si Lance at eto nga hinahanap ako. Ano kayang problema ng isang 'to? "My condo. Why?" Takang tanong ko. Umupo ako sa aking kama habang pinupunasan ko ng tuwalya ang aking basang buhok. Katatapos ko lang din kasi maligo. Napag-desisyunan muna namin kasi umuwi ni Lance sa aming mga condo unit. Iniwan muna namin ang bahay ni Rain at nagpaka-laylow muna dahil hindi talaga kami tinatantanan ng Aces. Palagi silang naka-matyag sa amin at feeling ko nga may ginawa din sila na kagaya ng ginagawa nitong si Lancelot para ma-track sila Lj

