“Ayos lang ho, Senyor Augustin maalam po ako sa halos lahat ng gawaing bahay. Huwag ho kayong magalala.” anas ko. Nagkatinginan ang dalawang magpinsan nagtawanan ito. Tila gumaan ang kibot ng hapag.
“Augustin, pumunta tayo maya-maya sa talon. Upang mabilis na matuyo ang iyong mga galos.” saad ni Pablo, sumangayon si Augustin tutal wala naman raw siyang kailangang tapusin ngayong araw.
“Isama ninyo si Amelia, wala siyang magagawa dito nakakaburyong ang palasyo.” banat ni Don Griyego. suminghap si Donya Felicidad.
“Nako ho, ayos na ako rito maari akong tumulong kila Manang Flora. Don Griyego.” pagsingit ko. Kahit nais kong masilip ang sikat na talon dito sa nayon.
“Napakaraming maaring tumulong kay Flora, sumama ka kila Augustin.” utos nito.
“Para makaligo ka sayang ang panahon kung ako’y walang dapat gawin sa araw na ito. Mas pipiliin kong lumangoy roon.” nakangiting pagkukwento nito. Natapos ang usapin, nililigpit ko na ang mga pinagkainan sa mesa ng magsimula na silang tumayo upang magalisan ngunit.
“Isama ninyo si Amelia, huwag ninyong aalisin ang paningin niyo sa kaniya.” pagtawag niya sa dalawa. Takang-taka ako, kaano-ano ko ba si Don Griyego upang ituring nila akong bisita sa kanilang palasyo. Kahit na ipinagbili lamang ako ng aking tiyuhin kapalit ng walong buwang buwis.
Ang tanging pinagkaabalahan ko sa buong maghapon ay ang pagguhit matagal-tagal ko na pala itong hindi ginagawa. Ginuguhit ko ang tanawin mula sa aking bintana. Nakarinig ako ng tinig ng pagtawag sa aking pintuan.
“Amelia, tayo na bago lumubog ang araw.” saad ni Pablo. Dinala ko lamang ang aking pantuyo. Sumunod na lamang ako sa kanila. Lakarin lamang pala ang layo nito.
Nakarinig na ako Lagaslas ng tubig. Hudya’t na malapit na kami sa talon, maya-maya pa ay lumitaw na ang anyong tubig mabato-bato ito. Manghang-mangha pa rin ako sa aking nakikita. Tila maaring mainom ang tubig ng talon isip-isip ko. Ngunit ng magsimula ng magsasaw ng panghakbang ang dalawa. Umiling ako, marumi na ito. Biro ko sa aking sarili.
Nilubog ko ang aking sarili sa sandaling maramdaman ko ang lamig ng tubig sa aking katawan nakaramdam ako ng kaginhawaan, tila lahat ng problema ko sa nakaraang mga buwan. Nawala, bumalik sa aking alaala ang aking nakatatandang kapatid. Si Luis kumusta na kaya sila ni Celeste? Kalahating taon na ang nagdaan ng lisanin nila ang Bayang ito, hindi ko alam kung bakit kinailangan niyang dalhin si Celeste. Naawa ako sa aking bunsong kapatid siguro’y naghahanap ito ng kalinga ng isang ina. Maraming isipin, tulad ng bakit hindi nila ako isinama sa kanilang pagalis. Bakit kailangan kong pagbayaran ang lahat ng utang nila kila tiya Josefa. Bakit kailangan akong ipagbili kapalit ng buwis, ganoon nalang ba ang aking halaga.
“Amelia, umahon ka na babalik na tayo sa palasyo dumidilim na baka lumakas ang agos ng tubig.” paanyaya ni Pablo. Umahon ako at ibinalot ko ang aking katawan sa tuwalyang aking dinala. Nilalakbay namin ang lakarin pauwi sa palasyo.
“Amelia, sino ang naghatid sayo sa bahay?” tanong ni Augustin.
“Ang tiyuhin ko Senyor.” sambit ko. nagpatuloy siya sa pagtatanong.
“Anong pakay ng tiyuhin mo?” madiing anas nito.
“Ipinagbili ako sa walong buwang buwis. Senyor” direktsang sagot ko. Napaawang ang labi ng dalawang lalaki, tunay na iyon ang kaniyang pakay ipalit ako sa buwis.
“Ganoon nalang ang halaga mo sa iyong Tiyuhin? napakaliit naman kung ganoon.” wika niya. Yumuko ako, may parte saaking puso ang kumirot. Baka nga, kaya naisipan akong iwan ng sarili kong mga kapatid.
Narating na namin ang palasyo. Dumiretsyo ako sa kasilyas upang magbanlaw “malapit ng gumabi” mahinang bulong ko ng matanaw ang buwan sa labas ng bintana.
Tinutuyo ko ang aking buhok naka upo ako sa aking higaan, iniwan kong nakaawang ang pinto. Upang kung may ipapagawa si manang Flora ay aking madidinig. Ang awang kong pintuan ay tuluyang nagbukas nasa labas ng aking silid si Donya Felicidad at ang babaeng kaedad niya base sa itsura. Nahinto ang kanilang usapin ng tinapunan ako ng tingin ng babae.
“Tunay ngang kung anong itinanim siya ring bunga.” madiing saad ng matandang babae bago alisin ang kaniyang titig sa akin upang muling ibalik sa kaniyang kakwentuhan. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang tinutukoy. Tipid akong ngumiti sa kasama nitong matandang babae bilang pagbati bago sila tuluyang makaalis.