Kinabukasan ay maaga akong ginising ng liwanag na nagmumula sa bintana. Halos malukot ang noo ko sa pagkakakunot nang marahang imulat ang mga mata. Isang pigura ng lalaking abala sa pagtatali ng kurtina ang agad na bumungad sa akin dahilan para magsalubong ang mga kilay ko. "What are you doing here?" May inis kong tanong. Maingat akong naupo. Inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid bago ibinalik ang paningin sa lalaking malawak na ang pagkakangiti. "Good morning," aniya. Kinuha nito ang isang tray saka naglapag ng pagkain sa gilid ng kama. "Breakfast in bed?" Dagdag nya't inabutan ako ng isang bulaklak na syang tinitigan ko lamang. "Ipinagluto kita ng egg benedict, at bacon." Bawi nya matapos ang ilang minutong pananahimik. "Nagtoast din ako ng tinapay at may avocado rin. Bukod pa ro

