"Get in." Bigla ay saad ni Luke. Puno ng pagtatanong na nag-angat ako ng tingin sa kanya para lamang masalubong ang blanko nyang mga tingin. I wanted to walk away but my feet wanted to stay. Fvck! Nanatiling tikom ang aking bibig. Gosh! How I miss his face! Ikinuyom ko ang nangangatog na palad sa aking likuran para lamang mapigilan ang sarili na haplusin ang kanyang mukha. "Just....." inihilamos nya ang palad sa mukha bago ako nilampasan upang buksan ang pinto ng kanyang sasakyan, "—get in." Malumanay na dagdag nya. Sinubukan kong hulihin ang mga mata nya ngunit ganoon na lamang ito kailap na salubungin ang aking tingin. Hindi ko malaman kung bakit naramdaman ko nanaman ang muling pagkirot sa aking dibdib. This is what I wanted; to feel his coldness para kahit papaano ay maka-move o

