Mapait akong napangiti nang ilapag ang cellphone sa lamesa matapos basahin ang article sa campus website. Ilang linggo na ang nakalipas mula nang maghiwalay kami ni Luke. Hindi naging madali ang lahat para sa akin pero ginawa ko ang lahat para kahit papaaano ay maging maayos ako. He was so damn fine with the break up. The least I can do for myself is to act okay with it kahit unti-unti akong pinapatay nito. Suot ang sunglasses, ipinarada ko ang kotse at taas noong bumaba ng sasakyan. Hindi nakaligtas sa akin ang hindi ko mapangalanang tingin ng mga tao at bulungan ng iilan pero hindi tulad noon, I walked with my head up high. Mom was right. Wala akong ginawang mali. The only thing I did wrong e ang magpabola sa lalaking iyon. "Cassandra, long time no see!" Matipid kong nginitian ang k

