Chapter 13

1837 Words
“You look so happy,” salubong na saad ni Melissa nang marating ko ang café na napag-usapan namin. Hinila ko ang upuan sa kanyang tabi saka ngingiti-ngiting inilabas ang cellphone kong kanina pa nagwawala at hindi nga ako nagkakamali nang isipin na si Mr. Ashton ang paulit-ulit na dahilan ng pag-ingay non. “Hey, what happened? Kanina ka pa ngiti nang ngiti dyan, a. You're getting creepy.” Nakangiwing puna ni Melissa saka humigop ng frappe. “Nothing." I smile and shake my head. "Nothing happened,” dagdag ko. Isinilid ko ang cellphone sa bag at itinuon ang atensyon sa kanya. “So what’s the plan?” She took another sip at inosente akong nilingon. “About what?” I rolled my eyes at pabagsak na isinandal ang katawan sa upuan. “Zambales, duh?” “So I am thinking we could go on a hike or beach hopping, what do you think?” Namimilog ang mga matang tugon nya. Sandali akong natahimik upang mag-isip. Her plan is not bad at all. The last time I go for a hike is bata pa yata ako, maybe fourteen or fifteen. I remember, I got lost and someone helped me para makabalik sa mga kasama mo pero that boy.... I lost him forever. He was my first love. At vivid pa rin sa ala-ala ko ang kurba ng labi nya habang pinipilit akong patawanin. His soft voice that calmed me. "You okay? Natulala ka na dyan?" I snapped out of my memories after I heard Melissa saka nakangiti syang tinanguan. “Sounds good. Ang tanong, does Zambales have white beaches?” “Gaga! Zambales is beautiful inside and out. Maski mga tao doon ay magaganda at gwapo. Why bother go to an hour plane ride kung malapit lang naman tayo sa Zambales, hindi ba?” Tuluy-tuloy na salita nya saka umayos ng upo. “Isa pa, that province is a paradise.” “I was just kidding, okay?” Tumatawang saad ko saka sya mahinang hinampas sa braso. “I’ve seen people posting about Zambales recently at tama ka, that place is a must-visit," salita ko. Ipinatong ko ang isang siko sa lamesa and rested my head on my fist. An idea of what bikini should I be wearing came rushing on my mind. Ilang ulit kong inimagine na makapagtwo piece man lang before I graduate in college pero mukhang ngayon lang yata iyon matutupad. “And of course, the boys. Hay! If you only saw what I saw, Cass, paniguradong ma-eexcite ka na pumunta ng Zambales.” “Why? Ano bang nakita mo?” Inosente ko syang tinignan. “Gwapo. Puro gwapo.” Kung pwede lang sigurong maghugis puso ang mga mata habang binibitawan ang salitang iyon ay baka naghugis puso na ang mata ng babaeng ito. “I knew it, Melissa. Lalaki nanaman.” Mapakla kong saad saka sya nginiwian. Medyo malabo na ang paningin nya pero kapag nakakakita ng gwapo, nako! Nagiging 20/20 ang vision! “Of course," she paused to giggle, “kapag ganitong single, you should meet up with someone and pakiramdam ko ay nasa Zambales ang para – Sir Luke?” “Luke? Anong Sir Luke? Hindi sya para sa akin!” Tanggi ko. Hindi ko alam kung saan ipipilig ang mukha kong biglang nag-init na lamang nang marinig ang pangalan iyon. Damn it! I am sure as hell na namumula nanaman ako! Malalaki ang mga matang nilingon ko sya matapos pumasok ang isang ideya sa isip ko. Sapo ng kaliwang palad ko ang bibig kong naka-o pa sa pagkakabuka pero hindi ko nagawang itanong ang nasa isip nang sundan ko ng tingin ang itinuturo nya. And there, I saw the man I hated the most sitting across the room. “Omg! Your shirts are identical!" Bulalas nya dahilan para mabilis kong ibaba ang paningin sa suot na dami at hindi nga sya nagkakamali. Our shirts are identical! Hindi ko alam kung iisipin ko pa nga bang coincidence ito o sisisihin kaagad si Mommy. "Isn’t that what you call destiny?” Nakangising panunudyo nya. Kung hindi ko lang siguro kaibigan ‘to ay baka nasapak ko na sya ngayon pa lang. Anong destiny ang pinagsasabi nya? “Sumpa, Melissa, isang sumpa!" “You sound pissed, bakit? Still cannot accept the fact na may girlfriend na si Sir Luke?” “Asa ka naman, Mel.” “Weh? E, sa pagkakaalala ko sa ating dalawa, ikaw ang patay na patay kay Sir. I remember the time when we follow him because you wanted to see—“ “Shut it, Melissa!” Pigil ko sa kanya. Tumatawang itinaas nito ang parehong kamay sa ere saka muling nilingon ang gawi kung nasaan si Mr. Ashton. “Okay. Okay. Chill. Pero ano kaya ang ginagawa nya rito?” Aba malay ko sa isang iyan. Bakit kaya hindi sya ang tanungin nya, e pareho kaming walang ideya na dalawa. I left him sa bahay. Hindi naman sya nagsabi sa akin na aalis sya! But why would he tell me that? Ano namang pakialam ko kung may lakad sya?! “Maybe he will have a date with Milka? Kasi di ba suspended ang class so technically they have a chance to go on a date?” “Nice, Melissa. Tanong mo, sagot mo.” Walang ganang saad ko. “Wala ka kasing kwentang kausap ngayon. Why don’t you just admit na you are jealous—“ “Asa ka.” New message From: LA Where are you? To: LA Hell I replied back and turned off my phone. So it's me he's looking for ha? Ano nanaman bang tumatakbo sa kokote ng lalaking iyon? And why the hell did he know na nandito ako? “See! I told you, may date sila ni Milka!” Hindi ko napigilan ang sarili na lingunin ang kinaroroonan ni Mr. Ashton and from the distance, I can feel my blood boiling as I watch Milka tiptoe to kiss his cheeks. Where am I pala ha? “Let’s go." Yaya ko sa kanya. Ako pa mismo ang kumuha ng bag nya at inilagay iyon sa isang kamay saka hinila sya papatayo. "Are you jealous, Cass?" Nanunudyong tanong nya. Natitigilan akong napatitig sa sahig, pinakikiramdamdan kung pagseselos nga ba ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito but when an answer came into my mind, I shoved it off like a useless piece of information at matalim na nilingon ang aking kaibigan. "I am not jealous, Melissa. I just want to get out of here." I want them out of my sight. Masyadong masakit sa mata ang paglalandian nilang dalawa. Don't get me wrong? They can display public affection all they want, I won't get jealous but Milka trying to he sweet to him the moment they sat down and Mr. Ashton acting like nothing is an eye sore for me. Kawawa yung babae dahil halata namang sinasakyan lang ni Mr. Ashton ang gusto nya. "Wait lang. Wala pa si—" "Cass!" Pareho kaming napalingon ni Melissa sa entrace ng café nang marinig ang boses ni Paul ngunit hindi sa kanya nanatili ang paningin ko kundi kay Mr. Ashton na halos magsuntukan na ang mga kilay habang pinanunuod kung paano akong ikulong ni Paul sa kanyang bisig. And for a moment, I thought I saw him jealous nang marahas itong tumayo at padabog na lumabas leaving Milka behind. "There he is." "Tara na." Yaya ko at tuluyan nang nilisan ang café. Sinulit namin ang buong araw. Iniwakli ko lahat ng isipin kay Mr. Ashton at masaya naman akong napagtagumpayan ko iyon ngunit ang akala kong matiwasay na date naming magkakaibigan ay matatapos pala sa hindi magandang pangyayari nang bigla ay— "Are you all going home?" Yes. That is no other than Mr. Ashton himself. Hindi ko pa man sya nililingon, pakiramdam ko ay nababadtrip na kaagad ako. "H-hindi pa po, Sir. Magdidinner pa po kami," tugon ni Melissa. "Sabay-sabay na tayo," bigla ay saad nya. Mabilis ko syang nilingon at pinandilatan ng mata but he just secretly smiled at me na tila ba iniinis talaga ako. "Milka and I are still looking for a restaurant." "Ganoon ho ba? May alam ho ako. Tara," ani Paul saka ako inakbayan at inakay. I heard heavy footsteps from the back. Iyong mga yabag na parang may ipinahihiwatig pero hindi ko na pinansin pa. When we arrive at the restaurant, iyong nasa may window kaagad ang pinili ning spot. Luckily, Mr. Ashton didn't had the chance to sit beside me dahil mabilis na umupo si Milka sa tabi nya. "Ano ho bang gusto nyo?" "I trust your taste, Mr. Pacheco," nakangiting tugon nya kay Paul. Paulit-ulit kong naramdaman ang mahihinang pagsipa mula sa ilalim ng lamesa pero hindi ko na iyon pinansin. I focus myself sa pagpapakalma para lang hindi mahila ang buhok nitong si Milka na panay ang pagbungisngis kay Mr. Ashton kahit wala namang ginagawa ang lalaki. They started to talk while I started to get bored habang hinihintay ang order namin. "Talaga ho, Sir?" Bigla ay salita ni Melissa na kinikilig pa. Nakatalumbaba ito habang nakatitig kay Mr. Ashton at sa paraan ng pagtingin nya, sa tingin ko ay pinagnanasaan nya nanaman ang propesor sa isip nya. "Nga po pala, mag-oouting po kami sa Zambales, we'll leave leave tomorrow morning, if you—" "Mel," inilingan ko sya saka palihim na nilingon si Mr. Ashton, "I am sure na busy si Sir kahit canceled ang class, right Mr. Ashton?" Nagmamakaawa ang mga matang tinignan ko sya. Nang ngumisi ito ay palihim ko syang sinipa mula sa ilalim ng lamesa and secretly signaled him to say no. "Y-yes." Si Milka ang sumagot at pakiramdam ko ay nag-init talaga ang ulo ko sa kanya. Ano bang alam nya kung magiging busy si Mr. Ashton ha?! She leaned closer to him. Naningkit ang mga mata ko sa nakapulupot nyang kamay sa braso ng lalaking katabi. I can feel my left eyebrow raise as I watch him slowly caress his triceps. Aba't— "I am sorry. As much as we want to join you," Milka said as she look with Mr. Ashton with a smile. Gusto kong sabihin na hindi naman sya ang iniimbita ni Melissa pero ayokong mapahiya sya. "we can't because Luke is going—" "I'll go." Biglang putol ni Mr. Ashton kay Melissa. Tinanggal nito ang kamay ni Milka sa kanyang braso saka ako nilingon at binigyan ng isang ngiti ngunit inismiran ko lamang sya. Ano bang akala nya? Na nagseselos ako dahil sa paglalandian nilang dalawa? "Zambales," rinig ko ang matunog nyang pagngiti, "so that is the plan ha?" "Luke." Milka called him. "I told you," he said while looking at me pero panandalian lamang iyon nang ibaling nya muli ang paningin sa dalagang naroon sa kanyang tabi. "I have all the time in the world for you," dagdag nya. Bagaman wala sa akin ang paningin, hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay para sa akin ang binitawan nyang salita na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD