"Sigurado ka bang ayaw mong lumangoy?"
Awtomatiko akong napaayos ng upo nang marinig ang baratinong tinig mula sa aking likuran. Bahagya ko syang nilingon bago inilingan at muling itinuon ang atensyon kina Melissa na parang bata sa paulit-ulit pagkaway sa akin at itinuturo ang mga isda.
Psh. Kung hindi lang ako takot sa malalim ay baka nandon na rin ako pwesto nila. Isa pa, ayaw pumayag ni Mr. Ashton na tanggalin ko ang polong suot. Sino bang gaganahan na lumangoy habang may ganito ha?
I stayed silent. Saka ko na lamang sya nilingon nang maramdaman ko ang kanyang pag-upo.
"Bakit?" Halos magsuntukan ang mga kilay ko nang lingunin sya.
"Anong bakit?"
"Why are you sitting here? This is my space, Mr. Ashton. Mine." Parang bata na pagdadamot ko.
"I just want to be with you." Kaswal na saad nya. Sa ilang sandali ay para akong pinukpok sa kinauupuan at binusalan ang bibig para hindi makapagsalita.
Is he being serious right now?
Tumikhim ako saka umayos ng upo. "Nandoon si Milka," blankong saad ko na itinuro pa ang gawi kung nasaan si Milka na panay ang pagtawag sa kanya. Psh. E, kung lunurin ko kaya sya?
"Hindi sya ang ipinunta ko rito," seryosong aniya. Nagkibit balikat ako at muling ibinalik ang atensyon kina Melissa. Tuwang-tuwa ito habang nakatingin sa akin at walang pagdududa na gumuguhit sa kanyang mukha kaya naman hinayaan ko na si Mr. Ashton doon sa aking tabi.
"Sandra," he called me in a way na madalas nakakapagpabilis ng aking puso. I tried so hard to keep the feeling of longing to look at his eyes and fix mine on my friends but it wasn't long when he decided to take my hand and caress it in a careful way. "I wanted to give us a chance," sinserong saad nya. Pakiramdam ko ay huminto ang pagtibok ng puso ko. Ilang ulit syang bumuntong hininga bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Gusto kong subukan so please try to open your heart as well. I am doing my best not to hurt anyone especially you because you hold a special place on my heart." He paused for a moment and I can feel my heart flutters everytime na pipisilin nya ang palad ko.
Palihim ko syang nilingon at ganoon na lang ang pag-arko ng aking labi nang makitang nakangiti ito habang nakatuon sa aking kamay ang kanyang atensyon.
"Just admit to yourself that you like me—"
"At saan mo nanaman napulot ang ideyang yan?" Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa kanya. Sa isang iglap ay tila ba nawala ang kilig na nararamdaman ko kanina. Maski iyong mga paru-paro sa tyan ko ay nawala. Lintik talaga! Napakagaling talaga manira ng moment ng lalaking ito! "Mr. Ashton I USED to like you. Pero hindi na ngayon." Pag-amin ko.
"That's still the same thing." Kampanteng tugon nya naman.
Nung umulan ng kakapalan ng mukha, nasisiguro kong naroon sya sa labas at nagliligo. Baka hindi lang nagligo at nagswimming pa. Letse na pagiging kampante yan. Nasobrahan.
"Anong same—ano ba?!" Sigaw ko at bahagya syang itinulak papalayo sa akin. Agad na nilingon ko ang gawi ng aming mga kasama at saka lamang ako nakahinga ng maluwag nang makitang abala ang mga ito sa paglangoy.
Peste! Peste! Peste talaga sya!
"What?" Gusto ko syang batukan sa mga oras na ito nang tignan nya ako gamit ang pinakainosente nyang mga tingin. "This isn't the first time we kissed," aniya na animo'y natural na sa amin ang bagay na iyon.
"Oo pero baka makita nila!" Naningkit ang mga namimilog kong mga mata. Bahagya ko pang inilapit ang mukha sa kanya sa takot na baka marinig kami ni Milka.
"So kapag tayo na lang dalawa?" He smirked.
"N-no," nahihiyang tumikhim ako saka isinandal ang sarili sa gilid ng yate. "All I'm saying is—"
"You don't need to explain everything," he cut me off. "I know. I'm sorry."
"Sorry."
"For what?" Tanong nya pero hindi ko magawang sumagot. Paraan saan nga ba ang sorry ko? He is the one who kissed me pero somehow I feel guilty about his sadness and change of mood. Hindi naman sya galit pero pakiramdam ko ay na-offend ko sya sa pagtanggi.
"You don't need to apologize. I should be the one apologizing. It was a drastic move," aniya. Hindi na muli pa itong nagsalita kaya naman mas pinili kong maging tikom na lang.
"But I am serious, Sandra, I wanted to make this work. Kahit ngayon lang." Ilang minuto akong tumitig sa kanya matapos iyon ngunit kahit anong gawin kong paghahanap ng kasinungalingan sa mga sinabi nya, ang sinseridad sa kanyang mukha ang paulit-ulit na sumasampal sa akin sa katotohanan ng gusto nyang mangyari.
I gulp at the thought. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ang pag-init ng parehong pisngi. Ikinuyom ko ang palad sa magkabilaang gilid. I can feel my chest tightening dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso.
Nagpaulit-ulit sa aking isip ang mga binitawan nyang kataga. Kalabisan man sa akin, hinihiling ko talaga na sana totoo ang alin man sa sinabi nya. Alam ko, kahit paulit-ulit kong sabihin na hindi ko na sya gusto at naiinis ako sa ano mang inaakto nya ay mayroon pa ring parte sa puso ko ang natutuwa, humihiling na sana hindi lamang isang panaginip ang mga nangyayari.
But that is just a wish I know I can't afford because Luke has someone before I came along and this relationship we have is just something he's doing out of convenience because our parents wanted us to. Pilit. Hindi totoo.
Kinuha ko ang wine glass saka tinungga ang laman non. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong makaramdaman ng lungkot sa naisip.
"You'll get drunk," pigil nya saka inagaw ang wine glass na hawak at nilagok ang natitirang laman non.
"I am fine, Mr. Ashton, stop worrying about me." Just please don't. Dahil ayokong mahulog. Ayokong umasa na sasaluhin mo ako kapag nahulog ako.
Malamlam ang mga matang itinuon ko ang paningin sa malawak na dagat. Parang sa isang iglap ay unti-unti akong niyayakap ng mga alalahanin.
"Sandra, please, let's do this. Kahit ngayon lang. We can go back to the way we were kapag nakabalik na tayo ng Manila."
At iyon ang ikinatatakot ko. Na baka hindi maging sapat sa akin ang kaunting sandali; na baka sa oras na lisanin namin ang lugar na ito ay maiwan akong mag-isang nagmamahal habang sya ay naroon na sa iba.
Malamlam ang mga matang pinakatitigan ko ang kamay nyang nakapatong sa aking kamay.
Hindi ko malaman kung ano nga ba ang dapat na maging desisyon ko sa mga oras na ito. Gusto ko rin naman ang ideya nya kaso paano si Milka? At mas lalong paano ako?
"Seryoso yata ang usapan nyo?"
Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang tinig at nang tignan ko ang pinangalingan non ay ang naguguluhang tingin ni Melissa at Milka ang sumalubong sa akin.
"W-we were just talking." Naiilang tugon ko. Ramdam ko ang panginginig sa tinig at panlalamig sa aking mga kamay.
"About?" Milka gave a hint of annoyance in her tone kahit bahagya itong nakangiti.
"About us," Mr. Ashton answered and I can almost feel my jaw dropped as I watch everyone's reaction changed.
What the fvck is he doing?