Chapter 15

1093 Words
Ric's POV "May balita ba kayo kay Mark? Ilang araw na siyang hindi pumapasok." Tanong ko sa mga kaibigan ko dito sa room. Kakatapos lang kasi ng Klase namin ngayon. "Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko." Kibit balikat na sabi ni Niel. "Pinuntahan ko siya sa mansion nila noong linggo pero sabi ng kasambahay nila wala daw siya doon." Eros said "Saan naman ba ang lalaki na 'yon? Hindi pa ba siya makamove on kay Vira?" I said "May napapansin akong kakaiba sa kanya noong nakaraang magkasama tayo. Hindi ko alam pero parang naging kakaiba ang kilos ni Mark at palagi na siyang naging makalimutin ." Eros said "Ano na naman ba 'yan dudes baka guni² mo lang ang mga iyan." Niel said "Ako din may napapansin sa kakaibang kinikilos niya. Palagi din siyang pumupunta sa CR." I said "Noong huli tayong magkasama nakita ko siyang may kausap sa kanyang cellphone. Parang hindi pa nga sila magkasundo ng kausap niya. Hindi ko na lang din pinansin." Eros said "After our class today we will go to their mansion. I can feel that Mark is hiding something from us." I said to them seriously. Tumango na lang silang lahat sa akin at hindi na umimik. Mangilan ngilan na lang ang mga kasamang kaklase namin ngayon dito. Lance's POV "Punta tayo ng Cafeteria mga dudes. Kanina pa ako nagugutom." Sabi ni Andrew sabay hawak sa kanyang tyan. "Ang sabihin mo gusto mo lang makita si Camille." Natatawang nang aasar na sabi ni Blake. "Hindi muna ako sasama sa inyo. May puntahan pa kasi ako."sabi ni Ken "Bakit ken may nililigawan ka na ba ngayon?" Pang aasar ni Blake. "Bakit ka nagtatanong papa Blake? Huwag mong sabihin na nagseselos ka?" pambabara ni Ken "Wala akong paki alam kung sino man ang liligawan mo childish. Tsk umalis kana nga." "Grabe ka sa akin papa Blake. Hindi mo na ba ako mahal?"napalabing sabi nito "Maawa ka sa amin Ken. Huwag mo nang ulitin 'yan. Hindi bagay sayo nagmumukha kang pato." nandidiring sabi nito Natawa si Andrew na nasa tabi nila sa kanilang kulitan. Ako naman napangiti habang minamasdan sila. I'm so grateful to have friends like them. Kahit minsan nakakarindi ang kulitan nila. Nilingon ko si King sa isang tabi na nakaupo ng tahimik habang tumitingin sa tatlo. Nakita kong pinipilit nitong hindi mapangiti. "King kamusta ang gabi mo?" Tanong ko sa kanya. "Tsk, don't ask me about that moron."baling nito sa akin. Tumawa na lang ako sa sagot niya. Obvious naman kasi na kinulit naman siya ni Princess. "Hoy Lance anong tinatawa tawa mo dyan?"tanong ni Andrew "Arrraaayyyy bwisit ka Ken ba't nambatok ka." "Wala trip ko lang." naka smirk na sabi ni Ken. "Nagpapansin ka naman ba na isip bata ka?"sabi nito sabay padabog na umalis sa tabi ni Ken. "Tsk I'll go to the cafeteria. Who wants to go with me?" Tanong ni King "Ma una na kayo King." Nakangiti na sabi ni Ken. Tumango si King at lumabas sa HQ. Sumunod naman kaming tatlo. Mira's POV "Vir hindi kapa ba tapos dyan?"sigaw ni Laica sa akin. "Ito na palabas na." sagot ko sa kanya sabay bukas ng pinto ng CR. "Gutom na ako Vir. Halika punta na tayo ng cafeteria." Sabi nito sabay hila sa akin Nagpahila naman ako sa kanya. Nang nasa hallway na kami binitawan na ni Laica ang kamay ko at nakita ko din nang mga oras na iyon ang ACES na papalakad papuntang cafeteria. Napakunot noo ako nang mapansin ko na may kulang sa kanila. Napatigil ako sa paglalakad. s**t! ba't nakalimutan ko na kailangan ko pa lang pumunta ng roof top ngayon. "Vir may problema ba?" "Ah ano kasi laic may nakalimutan akong gamit sa room natin. Babalikan ko sana." "Gusto mo bang samahan ki..." "Huwag na alam kong kanina ka pa gutom." "Sigurado ka ba?" Tinanguan ko siya at nginitian. Nag paalam siya sa akin at dumiritso sa cafeteria. Ako naman dali daling pumunta ng roof top. Someone's POV I'm here now on the rooftop of our building. I skip all my morning classes today cause I came here late earlier. I look at my watch and I'm surprised that it's already 11:40 am. Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa sa Ken. Napakunot noo ako.... Anong gagawin niya dito? Himala yata na napadpad siya dito sa ganitong oras. Bumukas ulit ang pinto at nagulat ako sa taong nakita ko. f**k! may lihim bang relasyon ang dalawang ito. Napakuyom ako sa aking naisip. "Akala ko kanina kapa dito."pahayag ni Ken "May ginawa pa kasi kami ni Laica. Btw, bakit pinapunta mo ako dito Ken?" "May gusto lang akong kumpirmahin."malamig na sabi nito Napakunot noo ako sa aking narinig. Hindi muna ako umalis sa aking puwesto. "A-ano ba iyon?" "Nang magsimula ang klase ngayong taon marami akong napapansin na kakaiba sa iyo." Mira's POV Kinabahan ako sa sinabi ni Ken. May alam na ba siya? "Maraming pagbabago sa mga kilos mo. Kinaibigan mo si Laica na sa pagkaka alam ko ayaw mo sa mga nerd. Humihingi ka na din ng sorry. Hindi mo iyan gawain dahil sa pride na pinahahalagahan mo." "Just straight me to the point Ken." "Sino ka?" malamig na sabi nito Parang binuhusan ako ng tubig sa tanong ni Ken. "A-ano ba ang sinasabi mo Ken? Hindi kita maintindihan." "Just honestly answer my f*****g question." "Wala akong alam sa mga sinasabi mo." "Last chance answer me correctly or you will regret what will I do. Who are you? Are you the real Alvira Santiago or you are someone who just pretending as her?" "Ken I-i don't know wh..." "Are you sure? Ikaw ba talaga si Vira?" Malamig pa din na sabi nito sabay tingin sa aking mga mata na parang sinusuri ako nito kung nagsasabi ba ako ng totoo. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang titig niya. " Or you are Almira Santiago her identical twin?" Nabingi ako sa tanong ulit ni Ken. Tumingala ako para tingnan siya. "K-ken.." "Sabihin mo sa akin ang totoo kambal ka ba niya?" Napakagat ako sa labi at hindi ko napigilan na umiyak. Paano nalaman ni Ken ang mga ito. "Based on your reaction I guess my doubts are true you're not Alvira." Someone's POV Hindi ako makagalaw sa aking puwesto dahil sa narinig ko. f**k! paano nangyari ito. Kung may kambal si Vira ba't hindi ko nalaman ito. Biglang sumakit ang ulo ko at napasandal ako sa dingding. Kung kambal ni Vira ang nandito ngayon sa school nasaan na ang totoong Vira.............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD