Mira's POV Nandito pa rin kami sa gym ngayon. "Sagutin KO lang ang tawag na 'to" sabi ni Rick. Tumango kami sa kanya. "Pupunta kami mamaya pagkatapos ng klase kina Mark, Mir. Sasama ka ba?" Tanong ni Nick. "Pagalitan ako ng mga magulang namin pag hindi ako sumabay pa-uwi kay Vira. Susunduin kasi kami mamaya ni manong Ben." "Salamat pala hah. Nagawa mong pasayahin ang kaibigan namin." Nakangiting sabi ni Eros. "Walang ano man iyon. Masaya akong maibsan ang kalungkutan niya bago siya... Ahm alam niyo na." Matamlay kong sabi. "f**k!" Sigaw ni Rick sabay suntok sa pader. Nagulat kaming tatlo at nagkatinginan. Nailapitan namin siya. "Bro, anong nangyari?" Tanong ni Nick "Wala na siya." Napatigil kami sa sinabi niya Kinabahan ako "S-sinong siya?" Tanong ko "Wala na si Mark. Si

