His side Galit ang nararamdaman ko dahil sa ginawa ni Alvira. Pinagkatiwalaan ko siya dahil kaibigan siya ng taong mahal ko. Hindi ko inaasahan na kaya niyang gawin ito sa amin. Alam kong may gusto siya sa akin. Kinausap ko din siya sa bagay na iyan. Akala ko nag kaintindihan kami pero hindi pa pala. Umalis si Cindy na galit sa akin at hindi niya pinakinggan ang paliwanag ko. Sa unang pasukan namin hindi ko inaasahan na may magpapanggap bilang si Alvira. Pumasok kami sa klase ng mga kaibigan ko at hinanap siya. Nagalit si Ms. Serrano sa amin dahil late kami kaya na sigawan ko siya noon dala na rin ng galit ko para kay Vira. Galit ko siyang tiningnan noon at pinalabas ang kaklase namin. Sa unang tingin ko pa lang sa kanya ramdam ko na ang kakaibang kilos niya. Nabigla din ako

