Betty POV
"Pinanganak ka na ba talagang walang hiya?" Gigil kong sambit sa harap ng lalakeng ito.
Matapos ang eksenang iyon kanina ay pinagsalitaan ako ng masama ni Ms Arellano. Halos mapaawang pa ako sa talim ng dila niya. Kagalang galang at ang hinhin niyang magturo sa amin kapag sa klase pero kabaliktaran lahat sa mga nakita ko kanina.
Sabagay, ang bawat tao ay may kanya kanyang tinatagong ugali na minsan lang nilalabas kapag napuno na gaya nalang kanina. Sana ay hindi madamay ang grades ko roon at kung hindi ay makakasakal ako ng tao ng di oras. Matalim kong tiningnan ang taong nasa harap ko.
Narinig ko itong tumawa.
"Matagal na akong walang hiya, lalo na kung kailangan yan sa pagiging magandang lalake ko." Mahangin niyang sagot na kinatawa kong hindi makapaniwala.
"Talaga? Magandang lalake? Sure ka?" Pang-iinis ko. Nameywang ako sa harap niya.
Lumapit ito sa akin na bahagya namang kinaatras ko.
"Try me. Kakainin mo lahat ng sinabi mo ngayon." Hamon niya.
"Huh! Gwapo ka sa sarili mo pero natanong mo ba sa iba kung ganun din ba ang tingin sayo?" Taas kilay ko itong sinagot.
Ngumisi lang ito sa akin at tinalikuran ako.
"Naniniwala ako sa genes ng magulang ko." He then waved his hand and walked away.
"Genes mo mukha mo." Mahinang sagot ko dito at inirapan ko siya saka pumunta sa waiting shed. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na si Mang Rene.
Nang nasa bahay na ako ay nakatanggap ako ng message kay Ethan. He send a picture of himself wearing his white gown. Ang gwapo ng mga doctor. Ewan ko kung bakit lahat ng kilala kong doctor na lalake ay mga gwapo at may itsura isama mo na number 1 sa listahan ko a
ang future boyfriend ko. Napangiti at kilig ako ng marinig sa isipan ko ang sinambit kong future boyfriend.
Mabilis lumipas ang oraw at pasahan na at ang iba naming kaklase ay may mga pag oOJT'han na. Nanlumo ako. Saan naman kaya sa akin. Tinungo ko ang library at nakita ko si Dindin na nagbabasa at ngiting ngiti pa ito.
"Ngiting ngiti ang babaita, anong meron? May good news ka bang ibabalita?" Bungad ko saka umupo sa harap niya.
"Hindi ba halatang dito sa binabasa ko ako nakangiti?" Sagot niya. Inirapan ko ito at umiling ako saka nilabas ang mga libro at notebook ko.
"Itigil mo na nga yan at magreview kana, malapit na ang final exam. Gagawa pa tayo ng application letter." Paalala ko dito.
"Tapos na ako. Naipasa ko narin." Sagot niya na imprenteng nagbabasa parin. Napatingin akong mangha sakanya.
"Wow! Ang aga mo naman magpasa. Saan para isang hotel nalang din tayo?" Usisang tanong ko na dito.
"VF Hotel and Restaurant" sagot niya na nakatingin parin sa librong binabasa. Napaawang ako. Paanong..?
"What? Mahirap don! Sigurado kang tatanggap sila ng intern doon?" tanong ko na parang hindi makapaniwala sa narinig.
"Yep. Tinulungan ako ni Brent." Pagmamalaki nitong nakangiti pa saka klinose ang librong hawak niya.
"Pasabi nga din na tulungan ako." Pagmamakaawa ko. "Please." Sabay nag puppy eyes pa ako sa harap niya pero tinawanan niya lang ako. Wa effect ang pabebe moves ko.
"Sige, sama ka sa restaurant para masabi mo sakanya." Yaya niya sabay ngiti.
"Maghapon ang klase ko, aantayin mo ako?" tanong ko.
"Punta ka nalang don after Class mo sa hapon. Miss ka narin ni Tita Claire, dika na daw namamasyal don." Saad niya.
Namiss ko rin si Tita lalo na kapag pinapasyal ako ni Dindin sa restaurant ng tita Claire niya. Bukod sa mabait ay maganda pa. Masarap pa magluto pero ang kinakataka ko ay bakit hindi siya nag-asawa?
"Sige, try ko mamayang hapon after class ko." Sagot ko saka binuksan ang libro at notebook.
"Mauna na ako ha.. Wala na akong pasok ehh, diretso na ako sa restaurant." Paalam niya habang nililigpit ang mga gamit niya.
"Aalis kana agad?" Tanong ko na para bang nadismaya ako at iiwan niya din pala ako.
"Kailangan, may nagday off na dalawang katulongan ni tita sa restaurant kaya kailangan kong pumunta at matulungan sila ni Brent." Sabay ngiti sa akin.
"Sus, excited ka lang makita si Brent ehh" mapaglarong tukso ko.
"H-ha? H-hindi ahh haha" utal niyang sagot. Natawa ako sa reaction niya. "Sige alis na ako" pagmamadali niya. "Bye" paalam nito saka tinalikuran ako.
"So happy for you din, bye" pahabol ko.
"Quiet please!!" sabi ni Mrs. Mendez na kinayuko ko.
***
"Ms. Rodriguez!"
Napadta ako at agad na tumayo ng tinawag ako ni Ms. Arellano. Lahat ng prof namin sa araw na ito ay hindi na kami mineet. Hinayaan na kaming magreview at tapusin ang dapat tapusin bago matapos ang sem pero itong si Ms Arellano ay hindi. Parang ang init pa ng ulo sa akin at ako lagi ang napapansin at tinatanong.
"Mainit ang dugo ata sayo bhe. Mang one on one nalang kaya kayo." Bulong ng katabi ko sa akin. Malungkot ko naman itong sinulyapan at binalik ang tingin kay Ms Arellano sa harap.
Nangamote ako sa mga sunod sunod na tanong niya sa akin. Ang mga kaklase ko ay awang awa na at gusto akong tulungan pero hindi sila pinapansin ni Ms Arellano. Hanggang sa natapos ang klase at lumabas siya ay doon palang ako nakaupo ng maayos na para bang pagod na pagod ako sa ilang minutong iyon.
"Kaaga namang mag menopause ni Maam?" Birong saad ni Gordon.
"Okay ka lang Betty?" Pag-aalalang tanong sa akin ni Janelle.
"Hindi." Malungkot kong amin.
Alam ko naman na galit sa akin yun dahil sa nangyari kahapon. Kung ilulugar ko naman ang sarili ko sa sitwasyon niya ay magagalit din ako pero mali eh. Ginamit lang ako ng lalakeng iyon. Dapat siya ang magdusa. Dapat siya ang nakakaranas nito at hindi ako. Kumuyom ang kamay ko.
Magnanakaw na nga, namemerwisyo pa ng buhay. Gigil na gigil ako sakanya.
Tumayo ako at niligpit na ang mga gamit ko. Tutal at uwian na. Didiretso na ako kina tita Claire at hihinga muna ng maluwag doon. Magpapatulong nalang ako sa application ko para matapos na. Tama! Iyon ang gagawin ko.
Alam kong may araw din sa akin ang lalakeng iyon. Hindi pa nga nagsosorry sa ginawa niya sa akin noon nadagdagan na naman ang perwisyo niya sa akin. Sarap sipain! Hayy!
Magdidilim na ng makalabas ako ng school dahil inayos pa namin ang thesis namin bago mapermahan. It's been a long and tiring day. Sumakay na ako sa taxi at tumungo sa restaurant ni Tita Claire.
Pagdating ko doon ay may mga costumer palang sila. Pagbukas ko ng pinto ay si Dindin at Brent ang una kong nakita.
"Hi Dindin!" Bungad ko pero nawala agad ang ngiti kong ng makita ko ang isa sa kanila.
"Ahh, siya ba yung tinutukoy mong princess mo kanina?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ng isa niyang kaibigan.
"NEVER!!??" Sagot niya na parang siya pa ang nagawan ng masama. Tinaasan ko ito ng kilay at lumapit kay Dindin.
"Kilala niyo si Betty?" tanong ni Dindin sakanila.
Hindi sumagot iyong nagsalita kanina at tinuro niya ang demonyong hipokritong hayop na lalakeng ito. Gigil na gigil parin ako sa pagmumukha niya na kung pwede lang ay ibuhos ko lahat ng hinanakit ko kanina sa klase namin sakanya ay ginawa ko na.
"Hindi ko siya kilala" sabi ko. Napansin ko ang pagkamangha niya sa sinabi ko.
"Really?" sagot agad katabi niyang nakangisi.
Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang nakakita sa amin noong gabing nag-aaway kami sa convenience store.
"Okey, Just sit here Betty at kukuhanin ko lang ang mga pagkain na kakainin. Mamaya pa babalik si Tita, antayin mo nalang okey?" sabi ni Dindin saka dumeretso sa Kitchen.
"I'll help you" sabi naman ni Brent na sumunod din sa kusina.
Pagkaalis ni Dindin ay nanantili lang akong nakatayo. Balak ko sanang doon nalang ako sa ibang table umupo pero nakakahiya sa mga iba pa nilang kasama dito. Tama na yung tipid nalang akong sumagot at hindi na pahalataan pang gusto kong bumali ng buto dito dahil sa isang kasama nila.
" Wala kang balak umupo?" tanong nito sa akin na hindi ko naman siya pinansin. Ayaw ko namang umupo sa tabi niya na siyang inoffer kanina ni Dindin na uupuan ko kaya doon na ako sa iniwang upuan ni Brent umupo kasama ng isang malaking tao.
Sa tagal kong kaibigan si Dindin ay si Brent lang ang madalas kong nakikita. Naririnig ko na ang mga kaibigan niyang apat pero ngayon ko palang sila nakita. Hindi naman kasi ako sa sociable at sa school-bahay lang naman ang rota ko. At minsan ay dito rin pero hindi ko naman sila naabutan dito.
Sa buong magdamag ng pagsasalo namin ay nakikinig lang ako sa kwentohan nila at minsan ngumingiti. Halos lahat sila ay may nakwekwento maliban sa isa na kanina pang tahimik at minsan ay tumitingin sa akin.
Hindi ko siya pinansin hanggan sa matapos kaming lahat. Umuwi narin sila at nagpaiwan ako para magpatulong kay Brent. Next time na akong gaganti sa hayop na yun.
Hinatid din nila ako Dindin at Brent after.
Minsan talaga ay nakakainggit ang effort ni Brent kay Dindin. Sana ganyan din si Ethan kahit sa text man lang o tawag na kahit busy ay nahaharap din akong kamustahin araw-araw. Napabuga ako ng hangin at pumasok na sa loob ng bahay.
Kinabukasan ay nagpalate akong pumasok. Tutal at 2nd period pa ang klase ko. Nasa hallway ako ng makita ko si Dindin na nakatalikod at nagtetext. Dahan dahan akong lumapit at ginulat siya na kinaigtad naman niya.
"Sira ka talaga! Huwag mo akong gugulatin kung ayaw mong ibato ko sa yo tong hawak ko" saad niya na kinatawa ko.
"Sasaluhin ko yan kapag ibabato mo, sayang ehh" biro ko.
"Feeling mo naman na ibabato ko talaga to, mas mahalaga kaya to kesa sayo." Biro din niya.
"Ano ba kasi yang tinitingnan mo diyan sa phone at lumalim agad ang iniisip mo? " waring sisilip sana ako sa phone niya pero agad na tinago nito sa likod nito kaya di ko rin nakita. May tinatago? Sabagay privacy rin niya.
"Wala yun, ano ka ba. May nawrong send lang, punta kana ng classroom?" Tanong niya.
"Saan pa nga ba ako pupunta kung hindi sa classroom aber? Ikaw? Saan ka ba pupunta? Sa puso ni Brent?" Tukso ko dito na kinatawa naman niya. Tawa ba o kinikilig?
"Ayie, anong klaseng ngiti yan ha? Sinagot mo na ba siya? Kayo na ba? Share mo naman!" Pangungulit ko habang naglalakad kami papuntang classroom.
"Hindi pa pero malapit na." Imporma niyang nakangiti.
"Ayie! Pagsinagot mo na siya ehh share mo agad sakin para makikipagdiwang din ako sa first day niyo as couple." Tuwang tuwang sabi ko. Kahit chaperon lang ayos na ako don.
"Pasok na nga tayo at baka maabutan pa tayo dito ni Sir." Pangwawala niya na kinakapit ko sa braso niya at pumasok na kami sa loob.
Dalawang subject lang ang tinapos namin at pwede na akong tumambay sa library. Sinend ko narin ang application kong ginawa namin kagabi.
Nang masend ko ay agad ko nang inayos ang gamit ko at lumabas. Doon nalang ako sa convenience store tumambay at list ay malapit lang ito sa mga pagkaing naroon.
Pinuwesto ko ang sarili sa isang malapad na upuan at nilapag ang mga biniling pagkain at juice sa table habang nagcecellphone. Hindi ko alam pero napadpad ako sa timeline ni Ethan. Nagstalk na naman ako. Baka may tag na naman siya o kaya post. Biglang bumilis ang t***k ko habang naghahanap ng balita sa account niya.
Halos mag-isang buwan na ay wala na itong paramdam sa akin. Mauulit na naman ba ang nangyari noon? Paasahin na naman ba niya ako tapos pag bumalik ay parang wala lang.
Bigla akong nanlumo. Ano ba kasing trip niya at ganyan siya? Paano nalang kapag couple na kami? So okay lang ang walang kamustahan na aabutin ng isang buwan? Dalawang buwan? Ganon?
Nagulat ako ng may biglang tumabi sa akin. Napatingin ako dito. Nakajacket at hood na naman siya at jogging pants. Tiningnan ko ang oras at 10 na ng umaga. Kagigising? Walang trabaho.
Tiningnan ko ang ibang upuan at maraming bakante. Bakit sa tabi ko pa?
"Sa ibang upuan ka nalang mister." taboy ko dito at tinuon muli ang mata ko sa cellphone ko.
"I have my own name. Kyle. William Kyle Lozano." Pagpapakilala niya sa sarili.
Sa ilang beses na pagkikita namin at salubong din ng landas sa maling panahon at araw ay hindi ko pa talaga siya kilala maliban sa pangalang Kyle.
"Hindi ko tinatanong." Pambabara ko. Wala ako sa mood makipag-usap ng maayos sakanya.
"Just in case na mapagod ka kakastalk diyan ay pwede mo ring stalk ang account ko. Matutuwa ka pa." He grinned at tumayo ito.
Kumunot ang noo ko at tiningnan siya ng masama.
"Akala ko walang hiya ka lang. Makapal din pala ang mukha mo?" Inis kong sambit.
Ngumisi ito sa akin.
"Normal lang sa mga katulad ko ang makapal ang mukha. This gorgeous face keep that as his asset." At mas lalong lumawak ang ngisi nito saka lumabas.
Napabuga ako ng hangin. Gorgeous face? Talaga bang gwapong gwapo ito sa sarili?
"Narinig mo ba? Search mo dali!" Mahinang bulong ng mga babae sa likod ko.
"Shocks! Ang gwapo! Follow ko na ba agad? Sana ifollow back ako." Sagot ng kausap.
"Artistahin siya bhe. Ang gwapo!"
Kumunot ang noo ko sa mga pinag-uusapan nila at nilingon ko ang mga ito na kinaiwas at tigil naman nilang tatlo. Mga studante rin ito at mukhang mas bata sa akin.
Inopen ko ulit ang account ko. Nagdadalawang isip ako kung stalk ko rin ba siya o hindi. Baka kung anong sabihin niya kung gagawin ko ang sinabi niya. Never mind.
Nilagay ko na sa bag ko ang iba pang pagkain ko at lumabas na at umuwi nalang.
Nasa bahay na ako at nililibang ang sarili ko sa pag crocross stitch ko. Marami na akong natapos at nadisplay ko narin dito sa kwarto. Tumunog ang cellphone ko at biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng mapansin ko ang pangalan. Si Ethan iyon.
Agad ko itong inabot at huminga ako ng malalim bago ito sinagot.
"Hello Ethan." Sagot ko sa tawag niya.
"Hi Betty. How are you? Sorry kung ngayon lang ako nakapagparamdam ulit sayo. Busy kami sa hospital this past months." Paliwanag niya. Ramdam ko sa boses niya na mukhang pagod nga ito.
"Okay lang. Nasa Clinical Clerkship na kayo diba ngayong taon? Then next year ay intern na kayo. Kaya mo yan." Pagpapalakas ko sa loob niya. I heard his low chuckles.
Ibig sabihin marami rami pa akong aantaying taon bago kami maging official. Why not now Ethan?
"Could you still wait for me?" Paninigurado niya.
"Oo naman." Assuring him.
"I'll do my best then." Sagot niya. Napangiti ako. Para akong bulate na napupudpudan ng asin ngayon dito sa kama dahil sa hindi ko mailabas ang kilig ko.
"Basta ingatan mo lagi ang sarili mo okay?" pagpapaalala ko dito. Minsan talaga ang hirap pigilan ang ngiti ko pag siya ang kausap.
"For you, gagawin ko po."
Tinakpan ko ang mouthpiece ng cellphone ko at sumigaw ako sa kilig na walang sound at maya maya ay binalik muli ang tenga sa cellphone.
"I miss you." Sambit ko habang pinipigilan ko parin ang sarili ko. Gosh!
"I miss you too." Napahawak na ako sa mukha ko sa sobrang init ng pakiramdam ko ay hindi ko na nagawang talunin ng aircon ang nararamdaman ko.
"Take care always." Muli kong sambit.
"You too Betty." Sagot niya.
"Magpahinga ka na. Mukhang pagod na pagod ka. Alagaan mo ang sarili mo. Hmm?" kahit sa cellphone lang ay maalagaan at mapalalahanan ko siya ay masaya na ako.
"I will. Thank you. And ... " tumigil siya. Maski ako ay tumigil sa paghinga na para bang inaantay at inaasahan ko narin ang sasabihin niya. Ioang segundo itong tumahimik.
"And?" Bitin ko.
"And I love you." Napatakip ako ng bunganga. Ang mukha ko hindi na maipinta sa reaction ko at ang puso ko ay tumatalon na sa saya. My Gosh! Ano ang sasabihin ko? Hindi pa kami para mag I love you too ako.
"Thank you." Tanging nasambit kong sagot. Tama ba?
"Matulog na ako hmm? Bye." Paalam niya.
"Bye." Sagot ko at inend call ko na.
Agad kong hinanap ang kalendaryo ko at minarkahan ang araw na to. Ang araw na nag I love you sa akin si Ethan. Halos mapatili akong pigil sa sarili ko dahil sa sayang nararamdaman ko. Gusto kong magdiwang. Gusto kong magsaya. Gusto kong ilabas ang nararamdaman kong saya pero saka na pag kami na.
Pagsapit ng hapon ay lumabas ako ng bahay. Makikikapitbahay lang naman ako sa pinsan kong si Kurt. Matagal tagal ko naring hindi nakakausap ito pero papasok palang ako sa gate ng bahay nila ay sakto naman ang pagpasok ng kotse niya sa garahe nila.
Nakalongsleeve ito na para bang nakipagdate. Malungkot na para bang pinagsakluban ng langit at lupa. Balita ko kasi wala na sila ni Chloe, so ano ang sinisimangutan niya? Baka naman nabasted siya ni Dindin.
Lumapit ako dito at pinameywangan siya sa harapan niya.
"Kamusta ang burol? Nilibing na ba? O bubuhayin pa?" Tukoy ko sa puso niyang sawi.
Sinamaan niya ako ng tingin at nilagpasan. Umiling ako at sumunod sakanya sa loob. Nakiossosyo ako sa mga kasambahay naming nagchichismisan sa likod ng bahay na tanging pader na gate lang ang pagitan.
Nasa recliner chair naman akong nakaupo habang nag-iiscrol sa social media ko at nasa swimming pool naman si Kurt na binubuhos ang sama ng loob sa pagswiswimming niya. Sabi na nga at naglakas loob parin ang taong ito kahit may iba na ang kaibigan ko. Ayaw ko siyang icomfort. Karma na sakanya yun.
Nasa pag iiscroll ako ng mapansin ko ang isang post ni Dindin na nakatagged si Kyle. Clinick ko iyon at tiningnan ang profile pic niya. Pwede na.
Ibaback ko na sana ng matalsikan ako ni Kurt ng tubig galing sa pool. Sa inis ko ay tumayo ako.
"Bwisit to!" Singhal ko saka umalis doon at pumasok na sa loob.
Papalabas na ako ng marinig ko ang phone kong nag notif. Chineck ko iyon at laking gulat ko na "following" ang nakalagay sa account niya. Did I follow him?
Isang notif ulit ang lumabas at message niya iyon. Chineck ko.
"Were mutual friends now."