Betty "Ha?" Tinaasan ko ito ng kilay. Nagmamang maangan pa ang lalakeng ito. Halata naman na kung saan ako pupunta ay laging nandon siya. "Hindi ko nga alam na nandito ka, paano mo nasabing sinusundan kita? At saka ... bakit kayo nandito?" kunwaring walang alam at nag mamaang maangan pa. "Alam ko na ang ganyang style. Kunwaring hindi alam pero bago pa pumunta dito ay alam na talaga ang pakay namin dito. Kanino mo nalaman? Ha? Wala naman akong ibang pinagsabihan kundi si Dindin lang... ah baka tinanong mo sakanya noh!" Bintang at hula ko. "Wait. Bago ka magsalita, pakinggan mo muna ako. Okay?" Hinalukipkipan ko ito. Binaba nito ang kamay mula sa likod ng ulo. "Una sa lahat, hindi ko nakakausap si Dindin kung naalala mo ang dahilan. Pangalawa, nandito ako para bilhin ito at pangatlo

