Patapos na ang niluluto naming corned beef at bacons nang magising si Kuya Bernie. “Mmm... nakakatakam naman `yang niluluto ninyo.” para siyang lumulutang na lumapit sa amin. “Sipilyo ka muna, Kuya, may panis na laway ka pa sa balbas.” “Dahil sa puyat `yan, ang ingay n’yo kasi kagabi eh.” tila pumutok ang tuktok ng ulo ko sa sinabi ni Bernie. “Buti na lang nasa dulo ang kuwarto nila Mama.” “Uy! H-hindi ah...!” deny ni Bryan na namumula rin ang mukha. “H-hindi naman ganoon kalakas si Daryl umungol-“ hinampas ko s’ya sa balikat, napalakas ata. “Aray!” Humalakhak si Bernie! “Sa susunod subukan n’yo gumamit ng ball gag para walang ingay!” Napatingin kami pareho kay Bernie na biglang tumawa. Pumunta s’ya ng banyo na humahagikhik pa rin. “Ano daw `yun?” tanong ko kay Bryan. “Ewan, bolga

