CHAPTER 8

1179 Words
“Ano nga ba ang sikreto mo at nagawa mong magpapayat?” tanong sa akin ni Bryan. Kasalukuyan kaming nasa bahay. Friday afternoon, at napilit niya ako na kumbidahan siya sa bahay. “Wala... nagkasakit ako...” love sickness, dagdag ko sa isipan ko. Tinitigan n’ya uli ang graduation picture sa dingding ng kuwarto ko. “Sobra, ang laki ng ipinayat mo... ano bang naging sakit mo?” Hindi ako sumagot, sa halip, inabot ko sa kanya ang juice na kinuha ko mula sa kusina sa baba. “Ano bang gusto mong gawin? Wala naman akong gaanong games o pelikula rito...” sabi ko. “Ayun ba mga drawings mo?” tinuro n’ya ang mga canvas na nakasandal sa gitna ng study table ko at cabinet. “H-ha? Ah... oo...” Agad tumayo si Bryan at nilapitan ang mga iyon. Isa-isa niya itong kinuha, tinignan at inusisa. “Ang galing mo talaga sa realistic...” sabi niya, “Ako bano ako sa perspective, eh!” natawa siya. “Practice lang...” nahihiya kong sagot, pero natuwa ako sa puri niya. “Patingin din ng mga sketchbook ha?” kinalikot na nga rin niya ang nakatambak na mga sketchbook sa mesa ko. Umupo na lang ako sa kama habang nanggugulo s’ya, ininom ang juice at kumain ng brownies na binili ni Kuya para miryenda namin pag-uwi. “Mahilig ka talaga sa mga hayop, ano?” “Oo... hindi kasi sila mapanghusga tulad ng mga tao...” sabi ko habang kumakain. “Bakit, hindi naman ako mapanghusga, ha?” Napatingin ako kay Bryan who looked back with puppy dog eyes. Natawa ako. “Wala naman akong sinabing lahat, ha?” “Eh, itong isang ito? Mapanghusga rin?” tanong niya na may pilyong ngiti sa mukha. Napatingin ako sa hawak n’yang sketchbook at napatitig. Nakatingin sa akin pabalik ang mukha ni Rylie na parang nakasilip lang sa bintana. Magaling nga talaga akong mag-drawing. Agad akong tumayo at kinuha ang sketchbook kay Bryan. Nalipat ang pahina nito. Isang portait ni Rylie na nakabukas ang bibig at susubo ng kendi. May iba pang mga pirasong loose pages na nahulog. Puro portrait ni Rylie ito. Akala ko pa naman naitago ko na lahat ng mga drawings ko sa kanya... “Kaibigan mo?” Tanong ni Bryan matapos ko’ng magpanic sa `pag pulot ng mga nagkalat na portrait ng lalaking pumatay sa puso ko. “O-oo...” nagsisimula na namang bumilis ang t***k ng puso ko. “Best friend?” mahina ang boses niya. Tumango ako. Tahimik sa kuwarto. Wala siyang imik ng ilang minuto. Nagtataka kaya siya? Iniisip kaya niya kung ano si Rylie sa akin? Kung bakit ang dami kong portrait niya? Nagdududa kaya siya? Nandidiri sa akin? “Nga pala.” bigla n’yang sabi! Nagulat ako, napatalon sa pagkakatayo ko at napatingin sa kanya. Nakangiti s’ya sa akin. “Nakita ko may basketball ring kayo sa may garahe, p’wede tayong maglaro?”   Lumabas kami ng kuwarto dala ang basketball kong inaalikabok sa isang sulok. Mula kasi nang magbakasyon, eh, hindi na rin ako nakapaglaro ng basketball. “O, maglalaro kayo?” tanong ni Kuya, “Baka tamaan n’yo kotse ko, ha, kaka-carwash ko lang n’yan !” “Mag-iingat po kami, Kuya!” nakangising sabi ni Bryan sa kapatid ko. “Halika, practice ka’ng mag-shoot, haharangan kita.” At yun na nga ang ginawa namin. Mat’yaga si Bryan. Kahit ilang beses na o-out of bounds ang bola, minsan s’ya pa kumukuha, at ibibigay sa `kin para subukang mag-shoot uli. Magaling s’ya sa tapalan, wala akong nailusot sa kanya, ni isa! Sa katunayan nga, mukhang mas magaling pa s’ya kaysa kay Rylie. `Di nagtagal, pareho na kaming pawis na pawis at humihingal. “O, naliligo na kayo sa pawis! Magpalit na kayo sa taas, kakain na tayo.” tawag sa amin ni Kuya. “`Di na po Kuya, nakakahiya naman!” “Wala yun, buti nga at nagawa mong palabasain ng kuwarto ang kapatid kong `yan na wala nang ginagawa kung `di magkulong sa kuwarto mula ng gumradyuweyt s’ya! Isa pa, sayang naman ang inorder kong pizza!” “Sige Kuya, aakyat na kami!” sabi ko bago kung ano pang ikuwento n’ya kay Bryan. “Gusto mo na rin bang makiligo?” tanong ko sa kanya. “Pahiramin na muna kita ng damit...” “Okay lang ba talaga?” tanong niya na inamoy pa ang suot n’yang sando. “Amoy pawis na nga `ko, eh.” “S-sige, pahiramin na muna kita ng damit.” Maya-maya ay lumabas na si Bryan ng banyo na may tuwalya lang sa baba. Kitang-kita ko ang mga muscles sa katawan n’ya na may ilan pang butil ng tubig na tumutulo sa ridges... “Ang sarap pala rito, may hot water!” nakangisi n’yang sinabi. “Mukhang mapapadalas ako sa inyo!” pababa ang tubig sa v-line papunta sa kanyang crotch area... “Daryl?” “Ha?!” napatingin ako sa mukha niya. Nakataas ang mga kilay, nagtataka. “May problema ba?” “H-ha, ah, eh... wala!” Lumapit s’ya sa akin. Nanigas ang katawan ko. Hindi makagalaw! “You like that you see?” he asked with a lopsided grin. “Gusto mong hawakan?” Nag-init ang mukha kong lumobo at nagbabadyang pumutok! Kinuha ni Bryan ang kaliwang kamay ko. Ang init niya. Hindi ako makagalaw. Pinanood ko na ilapit niya ang kamay ko sa kanyang abs at ipatong ito rito! “Alaga sa push ups at situps `yan!” sabi n’ya sa akin habang kusa nang hinihimas ng aking kamay ang nag-iinit niyang katawan! “Ikaw rin, kaya mo `yan, magsimula ka lang sa 5 counts kada umaga at bago matulog, tapos damihan mo hanggang kaya mo after a week.” May sinasabi pa siya, pero wala na akong narinig! Wala na rin akong nakita kun `di ang mamasa-masa niyang katawan na namimintog ang mga muscles na ang sarap... “Ano, Daryl, puwede ka ba?” Napatingala ako. Halos ga-hibla lang ang layo ng mukha ni Bryan na nakayuko sa akin! Agad akong napa-atras at nahulog sa sahig ng una ang puwet! “O, okay ka lang?” tumatawang tanong ni Bryan na inabot sa akin ang kanyang braso. Ang init ng kamay niya! O baka dahil nanlalamig ang katawan ko? “O-okay lang...” pinagpagan ko ang sarili, at doon ko napansin na may nakaumbok sa harapan ko! “So, okay usapan natin, ha?” Lalapit pa sana si Bryan, pero yumuko ako at nagmadaling pumuntang banyo! “Ah! S-sige, okay lang! Teka muna, mag-babanyo rin ako!” “Sige, pabasa ako ng mga comics mo rito ha?” habol n’ya. “Sige lang!”   Naligo ako noon ng malamig ang tubig para mapahinahon ang birdie ko. Sobra! Nakakahiya! Nakakatakot! Napansin kaya ni Bryan? Hindi naman siguro, hindi n’ya ako pinandirihan, eh. Sobrang nakakahiya talaga! Kahit kay Rylie noon, hindi ako nagkaganito! Ni hindi ko siya pinag-iisipan ng masama! Bakit ngayon kay Bryan na kakakilala ko lang, parang hindi ko mapigilan ang sarili ko?! Matapos mapa-kalma ang sarili, lumabas na ako sa banyo at nakitang nakahiga si Bryan sa kama ko at nagbabasa ng comics. Bigla nanamang kumalabog ang dibdib ko! Kahit si Rylie hindi pa nakaupo sa kama ko. Lagi s’yang sa silya umuupo, may pagka-neat freak kasi yun, eh, at ayaw din n’yang may ibang tao na pumapasok basta-basta sa kuwarto n’ya. “Tapos ka na?” tinignan n’ya ako. Nasa loob ng banyo ang walk-in closet ko, kaya nakapagbihis na rin ako. “Lika, baba na tayo.” Tumango ako. “Pahiram nga pala nito, ha?” inangat n’ya ang dalawang comics. “Sa bahay ko na tatapusin.” Tumango ako `uli.   Nang gabing iyon, pinagmasdan ko ang korte ni Bryan na naiwan sa sapin ng aking kama. Dahan-dahan akong dumapa dito, sinunod ang katawan ko sa korteng iniwan niya, ipinatong ang baba ko sa unan na ginamit niya, at nag-imagine na nakapatong siya sa likod ko, nakayakap, at katabi kong natutulog.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD