Tricia's POV
Now Playing: One Last Cry by Brian Mcknight
"Ethan..." sabi ni Mira.
"H-Hindi naman siya m-mamamatay diba?" nanginginig na tanong ni EJ.
Nilapitan na namin sila.
Napatingin ako sa kutsilyong nabitawan ni EJ.
Na may bahid ng dugo ni Chloe.
Tumingin ako kay EJ.
"EJ..." sabi ko.
Tumingin siya sakin tapos niyakap niya ako.
"Hindi naman siya mamamatay diba Stacy?" ramdam kong umiiyak na siya.
"Sorry EJ...pero wala na siya. Patay na siya. N-Napatay mo sya." sabi ko.
Humigpit ang yakap niya sakin at mas lalo siyang naiyak. Kumalas muna ako sa pagkakayakap niya.
"Ethan..." tawag sakanya ni Mira.
Tumingin siya sakanya. Pero bago pa siya makapagsalita may narinig silang tumatawag sakanila.
"Magbabayad kayo sa ginawa nyo." sabi ni Trinity.
At umalis na silang dalawa ni Cattleya at iniwan kaming masama ang tingin nila.
Hinarap si EJ ni Mira.
"For the meantime, dito ka muna. Wag ka muna sumama samin pabalik. Aayusin muna namin to. Lilinisin muna namin ang pangalan mo. Hm?" sabi ni Mira.
"Ate, ayoko. Wag nyo ko iwan dito." pakiusap ni EJ.
"Ethan para rin sayo to. Pangako, sandali lang to. Pag naayos na namin to, babalikan ka namin dito. Alam mo naman kung nasaan ang bahay dito diba? Sandali lang. I'm sorry Ethan."
Niyakap siya ni Ate Solem. Umiyak na naman si EJ.
"Ate..."
Kumalas na sila sa yakap.
"Stacy...kausapin mo siya." sabi niya sakin. "Tara na." sabi ni Mira sa mga kasama namin.
Naiwan kaming dalawa ni EJ.
Nauna na sila sakin.
"Stacy..."
Tumingin ako kay EJ. Narinig na naman namin ang mga tumatawag samin.
"Kailangan mo magtago. Hm? Para rin sayo to." sabi ko habang umuurong at siya naglalakad palapit sakin. "Aayusin muna namin ang pangalan mo sa lahat. Kaya wag ka nang sumunod sakin." sabi ko ulit.
Habang umuurong ako naglalakad naman si EJ palapit sakin.
"Umalis ka na. Ano ba? Kapag sumama ka ngayon, mapapahamak ka lang." sabi ko habang sumusunod parin si EJ sakin. "Hindi pa tayo pwede magkasama ngayon. Someday. Someday magkakasama rin tayo." sabi ko na baka pwedeng makapagpagaan ng loob niya.
Pero humahakbang parin siya palapit sakin habang lumalayo ako. Ramdam ko narin ang luha sa pisngi ko.
Wala na akong choice.
Kahit ayaw ko tong sabihin, ito lang ang pwedeng magpalayo sakanya.
"Ga! Ggeojyeo! Nan niga sil-heo!" [Go! Piss off! I hate you!]
Hahawakan niya sana ang pisngi ko pero tinabig ko ang kamay niya.
"Wag mo ko hahawakan!" sigaw ko sakanya.
Lalapit sana siya sakin pero tinulak ko siya.
"Umalis ka na! Ano ba!" pero nagulat ako sa nagawa ko.
Nasampal ko siya. Mas lalo akong naiyak. Nasaktan ko sya.
"EJ...Sorry. I'm sorry." sabi ko habang umiiyak.
Nagtataka lang siyang nakatingin sakin habang may luha na umaagos mula sa mga mata niya. Ni hindi siya nagsasalita.
Lumayo na uli ako sakanya.
"I'm so sorry." sabi ko.
Lalapit na ulit sana siya sakin pero pinigilan ko siya.
"Wag ka nang sumunod sakin! Aalis na ako!"
Pero lumalapit parin siya sakin.
"Sabing wag kang sumunod!" mas lalo akong napaiyak.
Masakit rin sakin 'to. Ang iwan sya dito at malayo sakanya.
Nagkatinginan kami habang pareho kaming umiiyak.
Bigla siya nagsalita.
"Gajima." [Don't go.]
Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig ko at mas naiyak.
Talagang nag-aral siya ng korean.
Sinunod niya ang sinabi ko.
Napahagulgol na ko sa sakit na nararamdaman ko. Kung kailan kailangan namin magkahiwalay, dun ko malalaman na talagang sinunod niya ang hiling ko na mag-aral sya ng kahit basic words lang na korean.
Umurong na ulit ako at lalapit sana siya ulit pero pinigilan ko siya.
"Wag. Wag ka nang sumunod sakin. Please. Sandaling panahon lang naman ang titiisin natin e. Basta magkakasama rin tayo ulit. Geu yagsog." sabi ko at umalis na ako dun at iniwan ko na siya.
Naramdaman ko namang di na siya sumunod.
Habang naglalakad ako palayo sakanya, hindi ko mapigilang umiyak.
Kahit masakit, nilingon ko parin siya.
At sa paglingon kong yun, nakita ko ang mukha niyang umiiyak. Pero mas tumindi ang pag-iyak ko, nang makita kong ngumiti siya kahit umiiyak siya.
Isang ngiting parang nagsasabi na maghihintay siya.
Binalik ko na ang tingin ko sa harap. At ito lang ang tumatakbo sa isip ko, ang gusto kong sabihin sakanya,
"I'm sorry EJ. Pangako magkakasama ulit tayo. At pag nangyari yun, sisiguraduhin kong di na tayo magkakahiwalay ulit."
---------------------------------------------------------------EPISODE 14: I’M SORRY---------------------------------------------------------------