Hindi rin alam ni Julie kung paano siya nakatulog matapos noon. Pero nagkulong lang talaga siya sa on-call room hanggang sa nag-umaga na. She was so thankful that Elmo didn't press her. Sigurado din naman kasi siyang hindi alam ng lalaki ang gagawin. She sighed as she got up from bed. Pagod niyang pinadaan ang kamay sa kanyang muhka bago dumeretso sa banyo sa loob ng on-call room. She thoroughly showered and got dressed. Baka sakali maiwasan niya si Elmo. Dahil wala siyang pake; magcocommute siya pauwi. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin siya sa wisyo na makita ang lalaki. Nakapagbihis na siya sa damit na suot niya pagpasok at mabilis na lumabas ng corridor. Pakiramdam niya ay tumatakas siya sa kung ano dahil tingin siya ng tingin sa paligid. May lahi ata kasing kabute si Elm

