8 YEARS LATER... "Good morning Doctor San Jose." Nag-angat ng tingin si Julie mula sa pagsusulat sa chart at nginitian si Dr. Jason Estrejo. Kapwa niya itong Pinoy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Ito din ang kaendorsan niya ngayon sa ospital na iyon. She was currently working as a resident at St. Anne's Medical Center. "Good Morning Doctor Estrejo." Nakangiting bati ni Julie sa lalaki. Magkasama sila sa scholarship program na pinasukan nila walong taon na ang nakakalipas. And they became very good friends because of that. Saka siyempre, sino ang magkabansa e talagang magiging close din diba. Aminado si Julie na gwapo din ang kaibigan niyang ito. Bentang benta ang pagkamoreno nito sa mga kababaihan ng kanilang university. But Julie only saw him as a friend. "Wala kayo ma

