"Doc Julie okay lang po ba--" "Hintayin niyo maubos yung IV fluids at i-discharge na." Tila kawawang tuta na tumango na lamang si Ruru habang si Julie ay tinatapos ang sinusulat sa isang chart. Halata naman na wala siya sa mood dahil nakakunot na ang noo niya at matalim ang tingin. Kakaupo pa lamang niya sa may harap ng nurse station nang bumungad sa kanya ang isang lalaking matangkad. Masungit pa rin niya itong tiningnan at tila natakot din naman ito sa kanya. "D-Doc, may papakunan daw po ng blood?" Ah. MedTech pala. "Oo sir, pakisaktan ha." Inis na sabi ni Julie Anne. Saka naman napatingin ang lalaking MedTech kay Derrick na nananahimik din sa isang tabi. "Sir Alden bed 1 na lang po." Sabi pa ni Derrick. Tumango naman ang MedTech na tinawag ni Derrick na Alden at dumeret

