Chapter 6

2245 Words
CHAPTER 6 Muli ay tiningnan ni Julie Anne ang kanyang relo habang nakatayo sa may arrivals ng airport. Excited na siyang bumalik ang kanyang best friend. It was after a few more minutes when she saw the familiar long stride of her best friend from the departure gates. "BES!" "BES!" Sinalubong nila ang isa't isa sa gitna ng departure area at nagyakapan kahit isang linggo at ilang araw lang naman ang linayo nila sa isa't isa. "Missed you bes!" Ani Maqui at hinigpitan pa ang yakap kay Julie Anne. The latter smiled as she kissed Maqui's cheek before helping her best friend with her bags. "Siyempre hindi ka muna magpapahinga dahil kakain muna tayo!" Julie said. Plinano niya ang pagdating ng kaibigan at sa bahay muna ni Maqui sila magpaparty. But it was all a secret. Hindi naman ito bonggang party. More of a small get together. Dahil hindi pa siya pwede magmaneho ay nagtaxi lang muna sila pabalik sa bahay nila. Mag-isa lang din naman muna si Maqui dahil naiwan pa sa ibang bansa ang magulang nito. Kaya mas maganda ay may kasama ito, hindi binibilang ang marami nitong kasambahay. "Bakit ang dilim?" Ani Maqui pagkababa ng taxi. Medyo ginabi na din kasi sila sa byahe sa sobrang traffic. "Mygahd naputulan kami kuryente!" "Tigil tigilan mo nga ako Maq pano kayo mapuputulan ng kuryente eh yaman yaman niyo." Tawa ni Julie habang binubuhat ang isang bag ni Maqui. "Chos lang hehe." Sabi ni Maqui bago sila sabay ni Julie Anne na pumasok sa loob ng mansyon. "SURPRISE!" "OMG!" Bumungad kay Maqui ang mga kaibigan nila from school and kung sino sino pa. Nakatayo sa gilid si Julie at bahagyang natigilan nang makita si Elmo na nasa likod banda at tahimik lamang na nakatayo. Dumako ang tingin nito sa kanya at siya ang unang nag-iwas ng tingin. Naka-ilang araw na din kasi magmula nang iwasan niya ito. Nagkukulong siya sa kwarto. Kapag dadating ito ay kunwari tulog siya. O di kaya minsan talagang aalis siya ng bahay. At hindi talaga sila sabay na nagenroll. Pero nalaman niyang section A pa rin sila pareho. Hindi na nga siya nag-aaral umabot pa din siya ng A?! Anyways bottom line ay iniiwasan niya si Elmo. Akala nga niya madali lang pero hindi niya mawari bakit ba siya hinahanap hanap din nito. Dati naman ay hindi ganun! Dati hindi nga sila nagpapansinan eh. Well, nagpapansinan naman pero may kasamang away. Ngayon ay siya na ang kusang lumayo. "James!" Tawag ni Julie sa kambal na nakikisaya sana sa pagbati kay Maqui. "Yeah?" James asked as he approached her. "Akala ko ba may gala yan sila Elmo?" She asked. Napalingon naman si James kay Elmo na ngayony binabati si Maqui. He merely shrugged. "E hindi daw natuloy eh. So ayun. I invited him." At walang sabi sabi na naglakad na ito palayo. Kung pwede lang ay titirisin ni Julie ang ulo ng kambal. She sighed and put up a face. This was for Maqui. "Grabe papaiyakin niyo ako eh!" Ani Maqui at kunwari ay nagpunas ng luha pero bigla din tumawa. "Charot! Kain na tayo mga bakla! Unahin niyo best friend ko at napakapayat." "Tseh!" Sabi pa ni Julie pero nandoon na din sa may lamesa na puno ng meryenda at kung ano ano pa. She could feel Elmo staring at the back of her head. Umaakyat ang kilabot hanggang sa kanyang batok. Pero hindi na lamang niya ito pinansin. She sighed as she and Maqui kept grabbing some food. "Bes, bakit parang ikaw ang gusto kainin ni Elmo imbis na yung nachos?" Sabi bigla ni Maqui sa tabi niya. Napaangat siya ng tingin at hindi nga nagsisinungaling ang pinakamatalik niyang kaibigan. Because Elmo was downright staring at her. At hindi pa ito natinag nang magkatinginan sila. Siya ang una nag-iwas sa tingin. "Jules bakit ka namumula?" Tanong ni Nadine habang nagaalalang nakatingin sa kanya. "Okay ka lang ba?" "Ha? Ah oo. Teka. Mag banyo lang muna ako." Julie immediately excused herself. At dahil halos doon na rin naman kasi siya nakatira ay alam na niya kung saan ba siya dapat dumaan. Sa isang malapit na banyo sa may ikalawang palapag niya pinili na maghilamos para lamang mawala ang init ng kanyang muhka. She splashed some water on her face and straightened up just as the door opened. Muntik na siya mapasigaw kung hindi lang niya kaagad nakilala na si Elmo lang pala ang bigla bigla na lamang pumapasok. "Elmo what is wrong with you don't you knock?" "Why are you avoiding me?" Aba at wala man lang pigil pigil ito sa pagtanong. Akala pa naman ni Julie hindi na niya kakailanganin mag explain. Pero wala naman talaga siya dapat iexplain. "I'm not." "Bullshit." Sabi pa ni Elmo. Julie sighed and shook her head. "I told you wala lang. Dati hindi naman talaga tayo lagi magkasama." "Dati yun Nooneh." He said in this certain tone. Julie looked back at him. Iba na ngayon ang dala ng palayaw na iyon. Kung dati ay naiinis siya ngayon ay iba na ang nararamdaman niya kapag ganun ang tawag sa kanya ni Elmo. "Look, I just went back to the same routine. Nothing else." "Eh hindi nga pwede na ganun na lang Julie." Elmo said in a serious tone. He then closed the door behind him. "May ginawa ba ako? Okay naman na tayo ah?" "Bakit ka ba apektadong apektado?" Hindi natiis na sabi ni Julie. Sa tinanong niya ay nakita niyang natameme si Elmo. Na para bang iniisip nito kung bakit nga ba ito apektado. At mas lalo lamang nanlumo si Julie. Dahil siya, kahit papaano, alam niya kung bakit siya apektado. Because I'm falling for this guy. Pero muhkang si Elmo ay hindi ganun ang nararamdaman. So she sighed, making a decision. "Look Nooneh..." Masakit gamitin yung nickname pero kailangan umakto siya na parang wala lamang. "Promise it's nothing. I just thought things were going to be like they were before. Di bale kapag naglaan maiisip mo na wala lang din naman yung mga nakaraang linggo." She smiled sadly at him before passing by so she could exit the bathroom. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= "Kingina I need drinks I need paking drinks!" Ani Maqui. Sila kasing mga kababaihan ay nakakulong sa kwarto nito habang ang mga lalaki ay nasa baba. "Pucha nawala lang ako ng ilang linggo di na virgin best friend ko!" "Maq! Virgin pa ako!" "Ay ganun ba bakit ang bagal ni Elmo." Hindi na nakatiis si Maris at humagalpak ng tawa habang si Julie ay napailing na lamang. "Hindi kami ni Elmo!" "Aba at bakit? Matapos ko malaman na kinain niya yang bibig mo?!?!" "Hindi ko kinakaya si Maq." Natatawa na rin na sabi naman ni Nadine. Julie just sighed as she rested back on the bed. "There is no me and Elmo." She explained. "Everything was just a whirlwind." "The more you hate the more you love Baks." Biglang sabi ni Maris kaya naman napatingin sila sa kanya. And so she explained. "E paano kapag nakikita ko sila ni Elmo, kahit hindi naman dapat pansinin ay nagpapansinan kayo." "Ganun lang talaga kami." "Ganun eh?" Pangaasar pa bigla ni Nadine. Sinimangutan ni Julie ang mga kaibigan na sabay sabay lang din namang natawa. "Promise wala lang yun." She tried saying yet again. "Bes wag ako." Sabi pa ni Maqui. "Paanong wala lang iyon sayo eh iniwasan mo nga." Okay here it was. Julie looked at the three girls in front of her. Alam naman niyang mapagkakatiwalaan naman ang tatlong ito. "I- I am falling for h--" "HUTAENA DALAGA NA BEST FRIEND KO! HINDI KA NA PLAYGIRL!" Julie sighed. Sinimangutan niya ang kaibigan na sanay naman na ginaganoon niya. "That's just it! Hindi ako sanay na ako yung nabibigo!" Mayabang man pakinggan pero totoo iyon. She sighed and rested her head on Maqui's shoulders. "Hayop ito si Elmo eh." "Bes malay mo naman gusto ka din pala talaga ng mokong na iyon." Maris pointed out. Julie sighed. Ang karakter niya bilang isang tao ay matapang, palaisip at kung ano ano man. And that was what was wrong. Masyado siya nagooverthink. She sighed as she turned to them again. "I'd rather not risk it. He doesn't seem like the type to actually fall in love. At mayabang ako. I don't want to get hurt. Ako ang lalayo sa kanya. And these feelings will fade anyways." =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= Pinandigan ni Julie ang pagiwas niya kay Elmo. Pero may hangganan iyon dahil dumating na ang araw ng unang klase. "Asan na mga ballpen ko?" "Flinusk ko sa toilet." Sinimangutan ni James si Julie na masayang ngumunguya ng pancake. "Hindi nga?" Julie chuckled. "Sira, nandoon sa may altar. Nakalimutan mo ba na dinasalan mo kagabi?" That was serious. James did pray for his pens. "Oo nga pala!" Sabi naman ng lalaki at tumakbo paakyat. Julie shook her head. Her twin was such a dweeb. Di niya malaman bakit marami naggwapuhan doon. Sa wakas ay handa na si James kaya naman sumakay na sila sa kanilang kotse at dumeretso sa eskwela. It wouldn't be like before. Nung unang sem kasi ay first come first serve. Ngayon ay by grades na. "Jules! Aren't you coming?" Napatingin si Julie sa kambal. "James ang aga aga pa." Gusto na kasi pumasok kaagad sa classroom. "Fine suit yourself." Sagot na lamang ng lalaki sa kanyang kakambal bago naglakad palayo. Julie shook her head as she went up to the canteen. Kain is life. Umagang umaga ay bumili siya ng ensaymada. Kulang pa kasi yung kinain niya na pancake. "Aga niyan ah." Napatingin siya sa nagsalita. Pamilyar ang muhka nito. Kapwa MedTech niya ata pero hindi niya ganun kakilala. Matangkad ito na lalaki at medyo kulot. Umiinom ito mula sa isang baso ng iced tea. "Aga din nyan." Balik na lamang ni Julie na nakangisi bago naglakad palayo. Patuloy niya kinakain ang ensaymada pabalik sa lab room. Laboratory class kasi sila sa umaga na iyon. Nakita na niya sa loob si Maris at Iñigo na masyadong nakulong sa sarili nilang mundo. She rolled her eyes and sat beside her brother who was already reading. Napakanerd talaga ng lalaking ito. "Hey James!" Napalingon si Julie sa nagsalita at nakita ang lalaking kulot na kausap niya sa canteen kanina. "Hi Luke!" Bati ni James. So magkakilala pala ito. James knew everyone. Congressman ata. "Ito ba yung kambal mo?" Tanong ni Luke. "Hello nandito ako." Pagsusungit pa ni Julie Anne. At dahil dito ay natawa nanaman si Luke. "Sorry na. Hello Julie Anne." Napansin siguro nito na nagatataka siya bakit siya nito kilala. "Wag ka na magtaka. Famous ka sa batch." Julie rolled her eyes. "Well ganun talaga." "Wala pa Nooneh mo." Biglang sabi ni James. Tinaasan ni Julie ng kilay ang kakambal. "Bakit Robert James hinahanap ko ba?" "Kapag narinig ko yung ganun, it's automatic." Sabi ni James. Julie simply rolled her eyes. Umiiwas nga pero di pa rin talaga makalaya. Pero doon din nagtaka si Julie Anne. Asan na nga ba si Elmo? Baka hindi papasok. Dahil unang araw ng sem kaya nakakatamad. Julie sighed as she yawned and rested her head on top of her notebooks. Makakatulog na siya at walang makakapigil sa kanya. And she did. "Jules... Jules..." Gising sa kanya ni James. She lifted her head and saw that they were the only ones in the room. Napatayo pa siya. "Anyare?" "The prof is absent." Sagot naman ni James. "Tatlong oras ka nakatulog. Ayan may marka ka sa muhka mo." Tawa pa ng lalaki dahil totoong may sleep lines ang muhka niya. She yawned again and stood up while her brother circled his arms around her. "Let's go! We have a 20 minute break." Totoo. May break pa sila sa umaga para sa susunod na klase. Ang kaso ay busog pa si Julie sa kinain na ensaymada. Dumeretso siya sa classroom nila na ngayon ay normal na classroom. Natigilan siya nang makita na nakaupo na rin sa loob si Elmo. So pumasok naman pala ito. He had his earphones stuck to his ears as he bobbed his head to the music. Napansin din naman siya ng lalaki at pareho pa sila natigilan. "Hi Julie! Busog ka pa?" Bigla na lamang nagsalita si Luke sa tabi niya kaya hindi kaagad siya nakasagot. "Tara tabi tayo." "Nooneh." Biglang kumabog ang dibdib ni Julie nang magsalita si Elmo. Pati si Luke ay napakunot ang noo. Tumayo ang lalaki at walang sabi sabi na hinawakan ang kamay ni Julie bago hilain siya palabas. "Elmo ano ba!" Julie yelled but Elmo had already pulled her inside the fire exit. The place was a little hollow and was full of stairs of course. "Sino yon?" Tanong pa ni Elmo. Umangat ang kilay ni Julie Anne. "Kaklase natin si Luke bakit ba?" "Bakit close kaagad kayo?" Julie weirdly looked at him. She decided it was not worth the time. Maglalakad na sana siya palabas nang mapaigik siya nang itulak siya ni Elmo pasandal sa pinto ng fire exit. "N-Nooneh." Kinakabahan na sabi ni Julie. She gulped as she looked at the fire in his eyes. Elmo suddenly leaned closer, his lips just a breath away from hers. "Akala mo ikaw lang ang nahuhulog? Hindi ganun Nooneh. Hindi ganun..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD