Malaki ang ngiti ni Julie habang tinitingnan ang bagong biling shades para kay Elmo. Mag-isa siya ngayon sa mall dahil gusto niya takasan si Elmo. Hindi nga lang siya nasamahan ni Maqui dahil may family lunch ito. Gasgas na kasi ang gamit na shades ng lalaki at muhkang kailangan na nito ng bago. She just hoped he'd like the pair she got him. Saktong magl-lunch time na kaya naman napagdesisyunan din niyang kumain muna bago umuwi at magpahinga. Mag-isa sana siyang papasok sa Mary Grace nang may makitang isang pamilyar na taong kumakaway sa kanya mula sa bandang looban ng sinasabing cafe; sa lugar ng mga booth. She hesitated for a bit but quickly waved back and entered. "Tita good afternoon po." Bati niya sa babae nang nakatayo na siya sa harap ng booth kung saan ito umuupo. Naka

