Iba naman ngayon at sa bahay nila Elmo sila nakatambay para sa hapon na iyon. "Nakakatawa si Julie eh no." Sabi pa ni Maris habang nakaikot sila sa pinaka kusina nila Elmo. Ang mga boys ay lumalangoy sa pool. Si Julie ay busy sa may pinaka kalan dahil nagluluto ng pasta para sa kanilang meryenda. "Akala mo kung sinong ayaw, kakasa din pala." Tawa din naman ni Maqui. Siyempre ay naikwento na kasi sa kanilang lahat ang bigla na lamang na kagustuhan ni Julie sumali sa Mr. And Ms. MedTech. "E siyempre!" Sa wakas ay sumabat na sa usapan si Julie Anne. She finished with the sauce and was now mixing it with the pasta that she'd already cooked first. "Diba patay na patay naman talaga yung tanginang Ashely na yun kay Elmo tapos magkakaroon pa ng chance mapalapit. No way no." Hindi nakay

