"Nag-away na naman ba kayo ng asawa mo?" tanong ni Lala kay Brandon nang bumaba siya mula sa silid. Narinig niya ang paalis na kotse at nag-rerebulosyon ang makina niyon. "Just a misunderstanding, 'Ma," sagot niya. Hindi rin niya alam kung bakit nagbago ang mood ni Zanya na ngumiti na kaninang umaga pero ngayon ay pormal na ulit. It must be because of Monique and the baby. "Masaya ako kanina nang magkahawak na kayo ng kamay bago umalis papuntang ospital. Bakit na naman ba nagalit 'yun?" "Baka nagseselos sa ibinibigay mong atensyon sa 'kin, Brandon," wika naman ni Monique na nakikinig sa pag-uusap nila. "Ano ba'ng ginawa ko? She assumes a lot," naiiling niyang wika. "And then what? She will run away again like a scared cat?" "Baka naman kasi hindi mo ipinapaliwanag ng maayos s

