Galit na galit si Alexis sa kaisipang nakalamang na naman ang panganay na kapatid sa kanya. Agad niyang tinungo ang mini bar sa bahay ng mga magulang saka kumuha ng alak saka doon uminom ng tuloy-tuloy. Gumihit ang init sa lalamunan niya na lalong nakadagdag sa init ng ulo niya. Kanina pa nasa balintataw niya ang mukha ni Zanya na bumubuhay ng dugo niya. "Naglalasing ka na naman, Alexis!" wika ni Leonardo nang mabungaran ang anak na may hawak na bote ng alak. Umupo ito sa sofa at pabagsak na ipinatong ang mga paa sa lamesita. "Isa palang Albano ang sumagip sa kumpanya. Bakit hindi ako ang ipinakasal niyo sa babaeng 'yun?" tanong niya sa ama dala ang panaghili sa dibdib. Zanya was one of the prettiest faces he had ever known. Paminsan-minsan niya nang nakikita ang mukha ng babae sa

