Halos sabay lang silang dumating ni Rico kinabukasan sa Albano Corp. Dumaan sila sa coffee shop sa katapat ng building at sandaling nagkwentuhan. Nahagip ng mga mata niya ang isang pares ng mata na nakatingin sa kanila. Hindi niya inaasahan na muling makikita roon si Brandon. Tumuloy siya sa sariling opisina kasama si Rico dahil ngayon pa lang nito nadala ang resume. Nadatnan niya ang mga bulaklak na alam niyang galing kay Brandon. Nang tumawag ang sekretarya na gusto siyang makausap ng asawa ay tumanggi siya. Kailangan niyang panindigan na makikipaghiwalay na siya dito. Sinadya niyang huwag paalisin si Rico para may dahilan siyang iwasan si Brandon. Hindi rin naman nito gugustuhin na makausap siya kaharap ang lalaking inaakala nitong ipinalit niya sa asawa. Pero bago magtanghalian ay na

