"You don't have to leave the house, una'y hindi pa naman kayo kasal ni Brandon," pakiusap ng inang si Hannah. Alas otso na siya umuwi ng bahay at ang pakay lang niya'y ang kumuha ng gamit. Itinawag na sa kanya ni Brandon kung saan siya mamamalagi ngayong gabi. "This is what Dad wants. Hindi ko gustong maakusahang masamang anak." "This is not what he meant. Gusto lang niyang tumigil ka na sa karera at mag-concentrate sa kumpanya ng pamilya natin. Sa huli ay sa inyo pa rin naman mauuwi ang lahat ng 'yan, hindi ba?" Hindi nakaligtas sa kanya ang tinig ng ina na may halong paggaralgal. Sandali siyang huminto sa ginagawa at bumaling dito. Kinain ng galit sa sarili ang dibdib niya nang makitang pinipigil lang ni Hannah ang emosyon para hindi umiyak. Kabilin-bilinan ng amang si Ezek

