Angela’s Point of view Umangat ang dalawang daliri ko sa ere bago sumenyas ito pauna habang seryosong nakatingin sa unahan. Kahit hindi ako tumingin sa aking mga kasamahan ay alam ko na alerto silang lahat sa bawat signal na ginagawa ko. Pagkatapos na sumenyas ay nag simula ng kumalat ang kasamahan ko sa paligid habang bitbit ang kanilang mga baril, kasalukuyan kaming nasa mission ngayon at masasabi ko na isa ito sa pinaka delikadong misyon ng aking grupo. Napaka tahimik ng buong paligid, ngunit sa kabila ng payapang gabi ay nagbabadya ang isang matinding laban sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at ng mga militar. Makapigil hininga ang bawat segundo na lumilipas dahil nakasalalay sa misyong ito ang aming mga buhay. Tumingin ako sa relo na nasa bisig ko at ilang minuto na lang ay sisimu

