Ala-sais ng hapon, nagsisimula ng mag takipsilim ng huminto ang sasakyan ni Harris sa harap ng Mansion. Tahimik na bumaba ng sasakyan si Harris saka naghintay sa pagbaba ng asawa, habang sa hulihan ng kanilang sasakyan ay huminto ang racing car ni Zaharia na si James ang nagmamaneho. Mahigpit na hinawakan ni Harris ang kamay ng asawa na wari mo ay natatakot itong mawala sa kanyang tabi. Iginiya niya ito papasok sa loob ng Mansion habang sa bungad ng pintuan ay nakahilera ang mga katulong. Mula sa dulong bahagi ng hilera nang mga kasambahay ay nangahas na magtaas ng mukha ang katulong na si Liza upang palihim na sulyapan ang Amo na matagal ng pinagpapantasyahan. Ganun na lang ang panlalaki ng kan’yang mga mata ng makilala kung sino ang babaeng kasama ng Amo. Binalot ng matinding kabâ

