Angela’s Point of view Nakakailang, iyon ang nararamdaman ko ng mga oras na ito ngunit wala akong magawa kung hindi ang tahimik na tumayo sa tabi ni Hareth. Nandito kami ngayon sa isang magarbong pagtitipon dahil kaarawan ng isa sa mga business partner ng mga Smith. Wala akong nagawa ng sapilitan akong isinama ni Tita Zaharia bilang escort ng kanyang anak. Walang ideya ang ginang sa kung ano ang nangyayari sa pagitan namin ng kanyang anak. Nangako naman sa akin si Hareth na walang makakaalam sa kung anong relasyon ang meron kami. Gusto ko kasi na maging pribado ang lahat para walang mapag-usapan ang mga tao sa aming paligid kung sakaling dumating ang panahon na kailangan na naming maghiwalay. Nang araw na sabihin ko kay Hareth na tinatanggap ko lang siya bilang kaibigan ay wala akong

