“Two Years Later” “Bang!” Pagkatapos ng isang putok ng baril ay nangibabaw ang malakas na hiyawan ng mga tao sa loob ng isang malawak na stadium kung saan nagaganap ang isang malaking competition sa mundo ng racing. Sinabayan ito ng tunog nang mga makina ng sasakyan bago humaharurot na umandar ang mga ito, nag-uunahan na makarating sa finish line. Mula sa loob ng isang black racing car ay seryoso na nagmamaneho ang isang babae, makikita sa lintian nitong mga mata ang determinasyon na maipanalo ang kan’yang laban. Ilang sandali pa ay bigla itong nag-overtake na siyang ikinagulat ng lahat na ngayon ay nangunguna na ang sasakyan nito mula sa mga kalaban. May ilan ang sumubok na gitgitin siya kaya bahagya niyang binagalan ang speed ng kan’yang sasakyan. Napansin niya na para bang pinag k

