Harris POV “Napaka Imposible ng sinasabi mo, hindi ako papayag na panghihimasukan n’yo ang mga desisyon ko sa sarili kong kumpanya?” Matigas na pahayag ni Lyra, sa tono ng pananalita nito ay talagang inangkin na niya ang kumpanya. Naghihimutok ito sa galit ng marinig ang paliwanag ng aking Secretary. Makikita sa mukha nito ang labis na pagtutol, habang ang ilang board member ay tumatango lang sa sinabi nito na tila pumapanig sa side ng babae. Nanatili lang akong tahimik at pinakikinggan ang kanilang mga komento. “Matagal ng patay si Lorenzo, kaya bakit ngayon n’yo lang ipinaalam sa amin ang bagay na ‘yan?” Tanong ni Lyra bago ako tinapunan nito ng nagdududang tingin. “Ano ang karapatan ng babaeng ito para ako ay pagdudahan at akusahan? hindi ba ito nag-iisip na kaya kong bilhin ang l

