“Mommy, may hinala ako na nakita ni Mr. Smith ang babaeng iyon!” Naghi-hysterical na wika ni Chelsy sa kan’yang ina. “Anong sabi mo?” Naguguluhan na tanong ni Lyra sa anak. “Yes, Mommy, narinig ko ng utusan ni Mr. Smith ang mga tauhan niya upang hanapin ang isang babae. Nagulat din ako ng biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin, kaya sigurado ako na nakita niya ang babaeng iyon!” Naluluha na pahayag nito sa ina. Kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto ni Lyra at ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ng makaalis na si Harris at ang mga tauhan nito. “Don’t cry, Sweetheart, dahil sisiguraduhin ko na hindi mangyayari ang kinatatakutan mo, at kung sakaling muling magkita ang dalawa ay sigurado ako na si Mr. Smith na mismo ang lalayo kay Aria. Kaya ituloy mo lang an

