Aria’s POV Isang araw ang lumipas simula ng umalis Harris, matinding kalungkutan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito dahil namimiss ko na ang presensya ng binata. Kasalukuyan akong naka-upo sa upuan dito sa may balkonahe ng kwarto ni Harris. Naaaliw ako na pagmasdan ang mga punong kahoy na isinasayaw ng hangin, maging ang paglubog at pagsikat ng araw ay malaya ko ng nasaksihan. Sadyang napakaganda ng mundo at nakakagaan sa pakiramdam ang magandang tanawin na nasa aking harapan. Bigla akong napalingon sa pintuan ng maramdaman ko na bumukas ito. Pumasok ang dalawang babae na parehong may dalang tray na may lamang pagkain. Ang isa ay nakangiti, habang ang isa naman ay seryoso na nakatingin sa akin, tila sinusuri nito ang pagkatao ko sa paraan ng kanyang tingin. Maingat silang luma

