Halos maggitgitan ang mga sasakyan nina Hareth at Jacob, napakainit ng laban ngunit nasa kundisyon ngayon ang binata kaya walang kahirap-hirap na tinalo niya ang lahat. Malakas na hiyawan ng mga tagahanga ng binata ang nangibabaw sa loob ng buong stadium. Malakas na nahampas ni Jacob ang manibela dahil sa matinding galit, hindi niya matanggap na natalo na naman siya ni Hareth. Angela’s point of view Sa totoo lang ay humanga ako sa kakayahan ni Hareth pagdating sa racing, halos nilampaso niya ang lahat ng kalaban. Nakita ko na masaya itong bumaba ng kanyang kotse ngunit saglit itong natigil sa paghakbang at lumingon sa ibang direksyon kaya sinundan ko ang tinitingnan nito. Labis akong naguguluhan kung bakit nakadama ako ng sakit ng makita kong tinitingnan nito si Margareth. Bumaba ng

