High & Untouchable Gods Society
Hermes John Klein
GOD OF TRADE
written by: Blackrose
-----,--'-,-'-{@
Chapter 6 -What's Wrong With Me
Veronica
Ngayon ang unang araw ko ng pagpasok sa KLEIN INDUSTRIES bilang Head Secretary ni unggoy. Sa totoo lang ay hindi ako excited unlike nung unang araw ko sa trabaho before sa bar. Ewan ko ba! Iba talaga ang feeling ko sa ginawa kong decision. I have this gut feeling na magiging magulo ang tahimik na buhay ko. Parang feeling ko ay ipinain ko ang sarili ko sa pating habang may dugo ako sa katawan.
Hindi ako mahahatid ni Jason sa company nila since may practice sila now sa school for their graduation. Yes tama! Graduating na si Jason habang ako ay may isang semester pang bubunuin to graduate. Kaya commute ako now. Maaga akong nagising at nag-travel, ayokong ma-late especially not on my first day of work. Hindi magandang impression ang ma-late ang employee sa work niya kapag unang araw niya sa pagtatrabaho. At sa kabutihang palad kahit pa traffic sa kalsada, hindi ako na-late. Narito na ako ngayon ay entrance ng KLEIN INDUSTRIES Building at 6:40am. Hiningan ako ng ID ng guard then pinatuloy ako sa frontdesk para mag-fill up daw sa visitor's logbook.
'Miss, ilalagay ko pa ba ang purpose of visit ko? Eh working naman ako dito Miss?' tanong ko sa babaeng nasa harapan ko. Hindi ako nito sinagot, bagkus ay tumayo ito at maging ang katabi nitong babae. 'Miss? Excuse me.' pero ganon parin. They are just looking straight ahead.
Out of curiosity ay lumingon ako sa likuran ko. Kitang-kita ko ang paghawi ng ilan mga tao papunta sa gilid para makadaan ang ngayon ay mahigit sa sampung mga kalalakihan. Puro securities ang naglalakad saka isang naka-corporate attire na lalaki. Kagaya ng kita ko sa kanya noon, plantyadong-plantyado ang buhok nito, clean shave at seryosong-seryoso ang mukha. Parang wala itong ibang nakikita dahil patuloy lang ito sa paglalakad kahit pa may mga bumabati dito ng paggalang. Nang makalagpas ito ay napatingin ulit ako sa dalawang babae dahil nagsalita na sila.
'Ang hot talaga ni Sir.' mahina ngunit malinaw na sabi ng babaeng nasa harapan ko.
'Ang swerte ng babaeng magiging girlfriend ni Sir Hermes. Kasi diba until now ay wala parin siyang girlfriend.' slight na tumaas ang kilay ko sa sinabi ng katabi ng babae na kaharap ko. Mga chismosa. 'Ang gwapo na mayaman pa saka super duper hot pa niya.'
'Swerte nga talaga. Kaso naman napaka-suplado ni Sir. Ang tagal ko na dito pero isang beses ko pa lang siyang nakitang ngumiti. Ang damot sa ngiti ni Sir pero grabe ang gwapo niya sobra.' sagot ulit ng kaharap ko sa kasamahan niya.
'Ahm... Miss...'
'Papayag ka ba na mapabilang sa mga babae ni Sir, Fiona? Jusko ako payag kahit one night stand lang or kahit pang isang linggo lang basta makasama ko siya.' mahina pang tumili ang isa. Kumunot ang noo ko. Ang aga-aga tsismisan ng tsismisan ang mga ito. Hindi unahin ang trabaho.
'Ahm... Miss?'
'Naku malabo tayong mapansin ni Sir, Mayla. Alam naman ng lahat dito na ayaw ni Sir sa mga babaeng morena or yung mga black beauty. Eh diba nga puro mapuputi ang mga nagpupunta dito na naghahanap kay Sir.'
'Miss excu...'
'Hindi masamang mangarap no. Ang gwapo kaya ni Sir Hermes saka very manly. Palagi na nga lang lumuluwag ang garter ng panty ko tuwing nakikita kong dumadaan dito si Sir. Pansinin niya lang ako, pwede na akong mamatay. Hihihihi...'
Mga malalanding ito. Kanina pa ako salita ng salita dito eh hindi nila ako pinapansin. Tinignan ko ang wrist watch ko. 6:50 na. 7am ang sabi sa'kin na mag-report sa office niya. Naku naman talaga!
'Miss!! Mga Miss!!' tuluyan ng tumaas ang kilay ko ng tumingin ang dalawa na nakataas rin ang mga kilay na parang nagagalit pa dahil naistorbo ko ang pagpapantasya nila sa unggoy na yun. 'Excuse me ha!! Mawalang gana na at maabala ko ang tsismisan ninyong dalawa!!! Ayoko kasing ma-late sa unang araw ng trabaho ko dito!! Pero mukhang male-late ako dahil sa umagang-umaga eh pinagpapantasyahan ninyo ang may-ari ng kumpanya na ito!!! Hello?!! Nasa bahay lang kayo or nasa canteen para magkwentuhan?!! My God!! Kaya walang asenso ang Pilipinas dahil sa mga kagaya ninyong mga empleyado!! Kung ako ang may-ari ng kumpanyang ito, tanggal kayo ora mismo!!' tulala ang dalawa, inangat ko ang logbook kung saan ako nag-fill up. 'Ayos na ba ito?!! Saan ako ngayon pupunta after kong mag-fill up?!!' hindi parin sumasagot ang dalawa na until now ay parang natuklaw ng ahas sa kinakaupuan nila. 'Miss!!! Ano na?!! Kapag ako na-late dahil sa kaharutan ninyong dalawa, isusumbong ko kayo kay unggoy!!'
'What's the problem here?' napalingon ako sa kung saan nakatingin narin pala ang dalawang binunganga ko. Sa kamalas-malasan talaga ay siya pa mismo ang nasa harapan ko ngayon. Napatampal ako ng noo saka nag-inhale at exhale ng malalim. Tumingin muna siya sa akin bago sa dalawang babae na pagtingin ko rin ay tila ba mga sinawsaw sa suka sa putla. Napa-smirk ako bigla. Buti nga sa kanila.
'Ahm... S-Sir...'
'Why do you have to shout and bother everyone with your primitive attitude? This is not a jungle, mind you. For you to shout out loud like Tarzan from the jungle.' mahinahon ang pagkakasabi niya pero may diin ang bawat kataga niya.
'Eh kasi naman! Puro sila tsismisan ng tsismisan at hindi unahin ang trabaho! Ang aga kong dumating para hindi ako ma-late tapos dahil sa kanila ay maaari akong ma-late! Nasaan ang hustisya dun?! Tapos kapag na-late ako ng kahit isang minuto ay syempre pagagalitan mo ako dahil unang araw ko sa trabaho ay late agad ako! Tsismisan sila ng tsismisan! At ang haharot pa na ke aga-aga ay nagpapantasya na agad!!' I saw how his jaw moved.
'Sumunod ka sa'kin. And you two... I want an incident report about this at my desk in an hour. Or, go pack your things and leave my building.' yun lang ang sinabi niya at naglakad na ito palayo sa amin. Hindi pa ito nakakalayo ay nagsalita ito ulit. 'Follow me Ms. Novera.'
Kaya no choice ako but to follow him. He is my new boss afterall at bilang Head Secretary niya ay obligation ko ang sumunod sa kanya.
Imbes na sa mga nakahilerang elevators kami magpunta kagaya noon nang magpunta kami dito dati ni Jason, sa isang passage way kami nagtungo which I believe ay private elevator na exclusive for him lang. Naunang pumasok ang dalawang securities bago pumasok si unggoy then hinintay akong makapasok muna at saka pumasok pa ang dalawa pang securities. Naiwan sa labas ang lima pa. Paghinto ng elevator ay bumungad na naman sa akin ang slightly dim na paligid. Nagtuloy-tuloy lang ng lakad si unggoy kasama ang apat na securities, sumunod na lang ako. Pagdating sa mismong office, pumasok na siya sa office niya at basta na lang sinara ang pinto.
Napaka-bastos talaga at walang modo ng unggoy na ito! Akala mo kung sino makaasta! Bababa ka rin sa balang-araw unggoy ka! Sabi ko sa isip ko.
'Miss Veronica?' napatingin ako sa babaeng nakaupo sa pinaka-dulo ng tatlong table.
'Yes?'
'Pinapatawag na kayo ni Sir Hermes, Miss Veronica. Tumuloy na daw kayo sa loob ng office niya.'
'Thank you.' nginitian ko muna ang babae bago ako naglakad papunta sa pinto na pinasukan kanina ni unggoy.
Hindi pa talaga nagsi-sink in sa akin ang decision na ginawa ko dahil until now ay parang nasa isang masamang panaginip parin ako na hindi magising-gising.
Pagpasok ko ay naglakad ako patungo sa table niya kung saan siya ay seryosong-seryoso na nakatingin sa laptop at nakakunot ang noo.
'Rule number 1... Greet your superior with courtesy and respect.' biglang sabi niya without glancing at me and without removing his eyes sa screen ng laptop.
'Good morning Mr. Klein.'
'Rule number 2... Address me as Sir Hermes or merely Sir. Not Mr. Klein or Mr. John or Mr. Hermes.'
'Good morning again Sir Hermes.'
'That's better. Rule number 3... Stop calling me names especially not infront of my employees.' huminga ako ng malalim. So tama ako na narinig nga niya ang mga sinabi ko kanina sa frontdesk. Patay kang bata ka Nica! 'Here.' nilapag niya sa ibabaw ng table niya ang tatlong makakapal na folders. 'As far as I remember, I don't have any appointments today. Dapat nga ay wala ako dito today pero...'
'Eh di sana hindi ka na pumasok.' napahinto siya saka muling gumalaw ang panga niya.
'Rule number 4... Don't f*****g butt in when your BOSS is talking to you.'
Bwisit talaga ang unggoy na ito! Ang dami-daming rules na sinasabi! Hindi na lang pag-isahin para matapos agad!
'I apologize... Sir Hermes.'
'Way much better. As I was saying, I shouldn't be here today. But since I ask you to be here at nakalimutan kong wala akong any appointments today, wala akong choice because I have to brief you on your tasks, chores and job here as my new Head Secretary. These folders are the company's profile together with its mission and vission plus the objectives and descriptions, the history of KLEIN INDUSTRIES, our investors, stock holders, clients and prospects. Everything that you need to know about the company, nanjan lahat sa mga folders na yan. All are filed there. I want you to familiarize yourself with the company dahil kasama sa job mo yan as Head Secretary. You have to be familiarize on who's who na mga nasa higher management especially the Board Of Directors because you might encounter them one day then down to the lowest Heads of our Departments. Mostly are here at this building, nandito rin ang mga offices nila. I'll give you a week to familiarize yourself with regards to the company itself.'
'Yes Sir Hermes.' lumapit pa ako sa table at kinuha ko ang mga folders.
'And... Kunin mo kay April ang lahat ng important numbers. Check and tally it with your laptop if updated ba ito. You have your own laptop and computer sa office mo.'
'Got that Sir.'
'You will be supervising the 3 secretaries, they will be under your wing. I will held you responsible for them. All that concerns me are also your concerns starting today. Ikaw ang may pinaka-direct access sa akin and here at my office. No one can enter my office except you and me, not unless I ask them too. But syempre, if you are not here ay si April ang next in line sa'yo. Plus...' tumingin siya sa akin. 'I want you to be my Personal Assistant. I will give you a seperate salary for that aside for what you will be receiving being my Head Secretary. Every schedules ko in and outside the office ay ikaw ang magha-handle. Even my coffee and newspaper that you will get sa lobby guard everyday.' tumaas ang kilay ko. 'Before kang magtaray sa'kin, obey me first because that is your job. That is Rule number 5.' huminga ulit ako ng malalim bago ko binaba ang kilay kong nakaangat. 'That's better. Kung ganyan naman ng ganyan, there's no need na mag-away tayo palagi like savage dogs and cats. And we will also have a harmonious employer-employee relationship.'
'May I speak, Sir?' tumango siya then pinatong ang dalawang siko sa table. 'Kaya kong gawin ang mga rules and regulations mo kahit ilan pa yan. But I also have my own set of rules na dapat mo rin sundin Sir.' siya naman ngayon ang tumaas ang kilay. 'Take it or leave it. Madali akong kausap.' nilapag ko ang mga folders saka nakipagtitigan sa kanya.
'What is it then?' he utter after taking a deep breath.
'I don't want any, I mean A.N.Y. physical contacts of whatsoever. I will be here just because of my job as your Head Secretary and Personal Assistant at walang ibang reason pa aside from those. This is purely an employer and employee thing, Sir.'
'Hahahaha!!! Masyado ka naman sensitive, Ms. Novera. Still a virgin?'
Ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko. Hindi dahil sa kilig but because of extreme anger sa taong kaharap ko ngayon. Ang bastos niya talaga. Ang bastos-bastos niya.
'At ano ngayon kung virgin pa ako, Sir? Big deal na ba ngayon ang pagiging virgin ng isang tao? Bawal bang maging employee ng company mo ang mga virgins na kagaya ko?' sa pangatlong pagkakataon ay nakita ko na naman ang paggalaw ng panga niya. Sumandal siya sa swivel chair niya before closing his eyes.
'I need my coffee now and my newspaper. You may go.' hinilot pa niya ang upper bridge ng ilong niya.
'What kind of coffee do you prefer Sir?'
'Black. Premium. No cream and sugar. Grab my coffee at the ground floor sa Starbucks. I have an open credit there.'
'Okay Sir.' naglakad na ako papunta sa pinto.
'Grab one for yourself too, if ever that you haven't had one yet.' napahinto ako saglit pero agad rin akong nagtuloy sa paglabas.
Hermes John
Wala dapat talaga ako sa office today. I really don't have an appointment today kaya dapat ay rest day. Kaso, ngayon ko nga pala sinabi kay witch na mag-report siya dito sa office. Kaya I don't have a choice but to be here and to still wear a corporate suit dahil ayokong makita ako ng mga employees ko na naka-street clothes on a weekday. Kapag weekend ay naka-street clothes kami or free-style.
I didn't expect to see her as early as past 6 kanina. Actually pagpasok ko ng building ay napansin ko na kaagad siya. Who wouldn't when nag-iisa siyang kakaiba ang attire among my employees. She is wearing a cream long sleeves office attire that is just above here knees na pinartneran niya ng high heeled shoes. Hindi ko na sana siya papansinin dahil alam ko naman na dederetso siya sa office ko but her voice once again had caught my attention. Napakatapang talaga niya. She didn't bend to anyone just like what she did before sa bar.
When she was here kanina sa harapan ko, I was just pretending to be busy and occupied. Ang totoo ay ayaw ko lang talaga siyang tignan. As much as possible ay ayaw ko siyang tignan lately because there is something inside of me na hindi ko mapangalanan kung ano. I thought that this creepy feeling had stopped already and vanished, akala ko ay hindi ko na ito mararamdaman pa. But I was so damn wrong.
Noon during my adolescent and early adulthood years, hindi talaga ako nagkaroon ng any relationships. Hindi naman ako gay, infact I love and adore women. Pero hindi ko masabi kung bakit tumagal ako ng ganitong age na hindi nagka-girlfriend. Maybe because I got focused with my studies and work that time. Kaya hindi ko matukoy if what is this strange feeling inside of me. Bago ito sa akin at hindi ko malaman if ano ba talaga ito. I think I am loosing my senses. Nababaliw na yata ako due to stress and shits. I think I need a Psychologist.
Pauwi na ako nang maisipan kong dumaan sa office ni witch just to ask if nagawa na niya ang pag-check at pag-tally ng mga important numbers sa computer at laptop niya. Since ako naman ang boss and owner of the building ay binuksan ko na lang ang pinto ng office niya. Kita ko kaagad siya because her office is not as spacious as mine. She is laying on a couch and is asleep. Hindi naman bawal actually because it's just lunchtime at break nila. Naestatwa ako sa nadatnan ko. Never ko siyang tinignan as something na appealling and attractive. Palagi nga kaming nagka-clash na dalawa. But looking at her now na peacefully and soundly sleeping na nakahubad ang shoes and her legs more expose, makes my rational thinking of her compromise.
'Damn.' I curse underneath my breath and look upward. I take few deep breaths at sinabunutan ko ang buhok ko. Balak ko na sanang umalis but my feet won't cooperate. Muli ko siyang tinignan, mula sa bare feet niya na well-polished ang mga toenails up to her face.
Sa totoo lang, ayoko sa mga babaeng kayumanggi or yung mga brown race. Gusto ko mga mapuputi ang skin and with delicious curves. But I can't deny na tinitignan ko rin sa babae ang kanilang mga toenails. I love women with clean and polished toenails, para sa'kin hygiene rin ang magkaroon ng malinis na kuko sa paa. Looking at her now, hindi ko ma-deny that she is beautiful. This witch is beautiful even if she is tanned. Makinis pati ang kutis niya. Dumako ang mga mata ko sa chest niya where it gently moves up and down with the rhythm of her breath.
'Damn you Klein.' mahinang mura ko sa sarili ko.
What's wrong with me? Bakit imbes na mainis ako sa babaeng ito like I normally feel ay iba ngayon? Anong meron? What's with the sudden change? Takang tanong ko sa mind ko.
My eyes still bores at her. Hindi ko ito maalis-alis. Habang tumatagal ko siyang tignan ay lumalabas ang kagandahan niya. f**k! She is beautiful! Iba ang ganda niya sa Ate niya. Hers is a beautiful na hindi mo agad mapapansin, not unless you stare deeper at her.
'f**k!!' napalakas ang mura ko that made her stir at tuluyan na siyang nagising. Napabalikwas siya ng tayo.
'Ahmm... Sorry... Sir Hermes. Ahm... Pasensiya na at nakatulog ako. Hindi na mauulit. May... May ipag-uutos ba kayo Sir?' she said cautiously as she pressed her clothes that I find kinda cute on her. Hindi ko maiwasan na ngumiti but I have to look upward again to hide it from her. Ang cute niya. What the f**k!! 'Pasensiya na ulit Sir. Huwag mo sanang isipin na tamad ako at tinutulugan ko ang work ko. Napuyat lang talaga ako kagabi dahil late narin umuwi ang kapatid mo.'
Bigla akong nagising sa trance ko. Biglang nagbalik ang kaseryosohan ng mukha ko and my jaws grind. What's wrong with me?! I am so stupid to entertain this freaking feeling na until now ay hindi ko parin talaga mapangalanan. I cleared my throat.
'Paalis na ako and since wala narin naman akong iuutos sa'yo, you can also call it a day. Bukas na lang ulit.'
'Ahm... Okay Sir. Pero maya-maya na ako aalis Sir, aayusin ko lang muna ang mga files sa folders saka ang mga gamit ko.' naglakad siya papunta sa table niya.
'Sumabay ka na sa akin.'
Sabay kaming napatingin sa isa't-isa. I can mirror my eyes sa kanya dahil alam kong kagaya niya ay nagulat rin ako sa nasabi ko. I wasn't suppose to say that, iba talaga ang gusto kong sabihin pero hindi ko malaman kung bakit yun ang lumabas.
'Anong sabi mo, Sir?'
'I... Ahm... I-I'll go ahead instead!' saka ako mabilis na lumabas ng office niya and head towards the elevator. Nang makapasok ako ng elevator ay saka ko pinakawalan ang hininga ko na napigilan ko pala. 's**t!!! What the f**k was that Klein!!!' hinampas ko ang wall ng elevator. 'f**k you Klein!! f*****g damn you!! What's wrong with me?!!'
-------,--'--,-'-{@