Sinimulan ko ang pang-uusig sa tulirong mag-asawa nang gabi 'ding iyon. I wasn't even surprised when they confessed their knowledge about Apollo's sudden appearance. Duda na ako simula palang 'eh. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit inilihim pa nila ang bagay na iyon sa akin. "Binantaan ko siyang 'wag ka ng gambalain pa. Akala ko lulubay na! hindi parin pala. Sorry, Gabo" sabi ng helpless kong kapatid habang hawak hawak ang umbok ng kanyang tiyan. She looked at me with guilt in her eyes. Ngumuso naman si Dax. "eh kasi dapat sinabi na natin agad. ' yan tuloy" paninisi niya pa sa katabi. Binatukan siya ni Petunia. " may magagawa pa ba ako?" Kumunot ang noo ko sakanila "sino ang naghatid sa akin dito nung gabing umuwi akong lasing?" Napakagat sa labi si Petunia saka sila nagkatingi

