Hindi nawala ang mga katanungan sa isip ko tungkol sa pabagu-bago ng pakikitungo sa akin ni Apollo. Minsan ay malambing... pero kadalasan ay malamig. Ni hindi na nga niya ako nabibigyan ng oras dahil umano'y 'busy' daw siya at kung anu-ano pang dahilan na minsan ay napakahirap ng espelingin. "I'm busy" "Gabby! Will you stop asking me things that aren't relevant to work? I am not really up for fights!" "Im sorry. Hindi kita masasamahan ngayon" "I am not sure if I can visit your apartment later. Just lock the doors and call me before going to sleep" "I'm having dinner with a friend" "Next time" Tinatanong ko na nga lang minsan ang sarili ko kung totoo nga bang tinatanggap ko ang mga ganitong trato mula sakanya? Ako kasi iyong tipo ng tao na hindi matiyaga lalo na sa mga taong napakih

